Saturday, August 17, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 4

Narito na naman tayo sa isa pang bahagi ng ating pagsiwalat sa kapalpakan at kamalian ng mga doktrinang pang-kaligtasan ng mga born-again. Naitalakay na natin ang mga ilang kapalpakan sa OSAS,ang isyu ng tunay na bilang ng aklat sa Biblia at marami pang ibang mga paksa. Ngayon naman, maaari nating maisama ang mga nakaraang topics bagaman may ilang pagdiriin o empasis sa mga kapalpakan ng  ating bida. Halina't simulan natin:

Hindi religion ang mahalaga kundi ang personal na relasyon mo kay Hesus..”(ISANG TANONG ISANG SAGOT- Ptr. Lapiz, Ed) 
Una sa lahat, ano ba talaga ang depinisyon ng “RELIHION”?

Ayon sa ating mga elektronik na mapagkukunan:

“However, popular etymology among the later ancients (and many modern writes) connects it with “RELIGARE” “to bind fast”via notion of “place an obligation”, or “bond between humans and gods.” (source:htttp://www.etymonline.com/index.php?term=religion)

Ayon mismo sa mga eksperto pagdating sa etimolohiya, ang salitang “religion” ay nanggaling sa Latin term na “RELIGARE” na nangangahulugang “to bind again our relationship with God”. Ibig sabihin, ANG RELIHION MISMO ANG SYANG RELASYON SA DIOS. “religion is the relationship itself!”

Re+ Ligare= again+ to bind= TO BIND AGAIN

Naging napakakenkoy lamang ang mga hunghang na born-again pagdating sa tunay na depinisyon ng relihion dahil sa naloko sila sa mga ilang verses na pinapakita sa kanila ng mga “do it yourself- religion” pastors. Ibig sabihin, nawawala na ang tunay na aral ni Cristo na ibigin ang kanyang iglesya gaya ng pag-ibig Nya rito. Isa pa sigurong naging dahilan ay ang paglitawan ng mga sektang Protestanteng nanliligaw ng landas nang marami kaya naman naging “skeptics”sila pagdating dito. Dahil sa naging “skeptic” sila, nagkaroon sila ng konklusyon na “Walang relihion ang makapagliligtas” sa tao at dahil na rin sa 38,000 sekta na naglitawan, maraming tao ang naguluhan kung saan sa mga ito matatagpuan ang katotohanan!

Ngayon,Biblikal ba ang sinasabi ng ating bida?

Hindi!Bakit?

Kung titingnan natin ang salin ng Mabuting Balita na copyright ng PBS:

1Timoteo 3:16(MBB)
NAPAKAHIWAGA NG MGA KATOTOHAN NG ATING RELIHION:“Siya'y nahayag nang maging tao,At pinatotohanan ng Espiritu,Nakita ng mga anghel.Ipinangaral sa sanlibutan,Pinaniwalaan ng lahat,At sa langit ay tinanggap.”

Ibig sabihin, ANG KATOTOHANAN AY NASA RELIHION dahil ayon mismo sa sitas,“napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihion.”

ano nga ba ang katotohanan kung titingnan natin ang Biblia? Hindi ba't nagpakilala rin si Jesus bilang “Katotohanan”?

Juan14:6 (MBB)
sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ANG KATOTOHANAN, at ang buhay...”

Ibig sabihin, si Jesus, ang kanyang katotohanan ay ipangangaral lamang ng nag-iisang relihion (sapagkat “singular subject” ang tinutukoy na relihion sa sitas).Tunay nga na ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa nag-iisang relihion!

Kung mapapansin natin sa mga born-again, palagi nilang sinasabi na wala silang kinabibilangan na sekta dahil SILA UMANO AY MGA NON-DENOMINATIONAL DENOMINATION O NON-SECTARIAN MOVEMENTS! Kung titingnan natin ang Biblia, walang sinabi na ang mga Cristiano ay walang kinaaanibang sekta/relihion ngi ang kasaysayan ay walang binabanggit ukol dito!

Tingnan nga natin kung non-sectarian ang mga Cristiano ayon sa mga aklat ng reperensya:

CHRISTIANITY AROSE AS A SECT of Judaism inthe first century A.D when Roman empire was its peak.” (source: p.273 “TheReligions of the World”. Hoppe, Lewis M.)

Napakalinaw sa aklat-kasaysayan na ang Kristyanidad ay nagsimula bilang sektang nanggaling sa relihiong Judaismo sapagkat ang mga naunang apostol at ang pinaniniwalaang Mesiyas ng mga Cristiano ay pawang mga Judio.

“As a tradition, Christianity is more than A SYSTEM OF RELIGIOUS BELIEF.”(source: p.251, Britannica Encyclopedia.Vol.16- 2007)

Nangangahulugan lamang na ang Kristyanidad ay isang sistemang panrelihion at hindi isang non-sectarian system na tinutukoy ng mga born-again! Kaagad nilalabag ng mga lapastangang born-again na ito ang tradisyong patuloy na sinusunod ng mga tunay na Kristyano simula pa noong 33 AD. Tahasan nilang tinatanggi ang esensya ng tunay na relihion na tinatag ni Jesus sa pamamagitan ni San Pedro bilang unang Santo Papa (Mateo 16:18-19)!

Gawa24:5
“Natuklasan namin na ang taong ito'y(SANPABLO) nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya'y ISANG PASIMUNO NG SEKTA NG MGA NAZARENO.”

Ayon mismo sa tala ni San Lukas sa aklat ng Gawa, si San Pablo ay syang pasimuno ng sekta ng Nazareno na samakatwid ay syang relihion ng mga Cristiano. Hindi ito itinanggi ni San Pablo dahil totoo namang kabilang sya sa sektang naniniwala sa Nazareno na sya ring si Jesus! Ngayon, bakit ang mga born-again na ito ay tinatanggi ang esensya ng pakikibaka ni San Pablo para sa tunay na sekta???isasawalang kabuluhan na lamang ba nila ang pagkamartir ni San Pablo alang-alang sa pagtatanggol sa sekta/ relihiong ito?


Gawa 24:14
“tinatanggap ko po na ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na ipinapalagay nilang maling“SEKTA””. 
Napakalinaw mga kapatid, ano po? Inamin ni San Pablo ang pagkakabilang nya sa sekta na pinapalagay naman ng iba na mali! Malinaw na kasing-ugali ng mga hunghang na born-again ang mga Judiong umusig kay San Pablo! Sila ay taksil sa tunay na aral!


Darako naman tayo dun sa isa pang pitfall doctrine ng mga born-again:

“Ang salvation after rapture is by works, sohe who remains faithful to the end will be saved. Hindi nakaka-apply sa atinyung verse na yun, sa tribulation saints yun” (p.26,ISANG TANONG ISANG SAGOT)

Saan naman kaya mababasa na para sa tribulation saints ang “works”? Hindi ba't utos ni  San Jaime na gumawa kalakip ng ating pananampalataya!

Santiago2:26
“Patay ang katawang hiwalay sa espiritu;gayon din naman, PATAY ANG PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA GAWA.”

Kitam?Patay ang pananampalatayang hiwalay sa gawa gayon din naman, walang kwenta ang pagsamba kung hindi sumusunod sa utos! Isa pa, bakit sinasabing “by works only”ang salvation sa rapture at hindi na raw kailangan ng faith sa panahon na yaon??

Filipos3:14
“Nagpapatuloy nga ako sa hangganan upang kamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Dios sa pamamagitan ni CristoJesus, ang buhay na hahantong sa langit.”

malinaw na nakalagay ang “nagpapatuloy” na nangangahulugan lamang na hanggang wakas,kailangan na maituloy natin ang sinimulang pananampalatayang pinapatunayan ng gawa. Ang dalawang ito ay tunay na magkasama bilang sangkap ng kaligtasan! Ang pananampalataya ay dapat magpatuloy maging sa tibulation!

1 Corinto 13:13(MBB)

“Ang tatlong ito'y NANANATILI: ANG PANANAMPALATAYA, pag-asa at pag-ibig...”

o,nananatili pala e! Pero bakit winawala nila ang faith sa tribulation gayong kailangan itong manatili!
 Idinugtong pa sa nasabing pahina ng palpak na aklat ang ganito:

“Hindi naka-apply sa atin 'yung verse na 'yun; sa tribulation saints”

ang tinutukoy na verse sa sinabi ay ang Mateo 24:13 na nagsasabing:

“Ngunit ang nananatili hanggang wakas ay syang maliligtas.”

Hindi raw applicable ang nasabing sitas dahil para raw lamang iyon sa pagdating ng panahon ng pagdalamhati o tribulation. Totoo ba ito? Hindi po mga kapatid!Bakit? Dahil nangyayari na po ang mga nasabing hula bago banggitin ang nasabing sitas sa Mt. 24:13! ano ba ang sinasabi bago iyon?

Mateo24:9
Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw nila ang marami.”

ilan na po ba ang mga naglitawang bulaang pastor/propeta sa kasalukuyan? Nangyayarina po iyon, hindi po ba? Tiyak po ako na nangyayari na iyon dahil sa nagsilitawan ang marami sa kanila sa bilang na 38,000 sa buong daigdig!

Ipagpalagay nating tama ang kakenkuyan na ito, nakapaloob ba ito sa ebanghelyo ni Jesus?Hindi po!

Mateo 22:36;
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.”

Sa palagay nyo ba, ang pag-ibig ay maipapakita sa laway ng ating bunganga?Maipapakita lamang ba ito sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi po!

1 Juan 3:18
“Ipakita natin ANG TUNAY NA PAG-IBIG SA PAMAMAGITAN NG GAWA.”

ang SINUMANG NAGSASABING “MAHAL KO ANG DIOS” AY DAPAT IPAKITA ITO SA PAMAMAGITAN NG GAWA, hindi po ba?

Abangan ang susunod na kabanata

No comments:

Post a Comment

Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.