Tuesday, August 13, 2013

BIBLIKAL NA PALIWANAG SA BAUTISMONG “BUHOS” O “WISIK”

Laging pinapansin ng mga kaaway ng Santa Iglesia Catolica  Apostolica Romana ang pamamaraan ng pagbibinyag nito na gumagamit ng “pagbuhos”o “pagwiwisik”. Ayon sa kanila, marapat lang daw ang bautismong “lubog” dahil ito ang karaniwang pamamaraan ng mga apostol na nagamit batay na rin sa nasalaysay sa Biblia.
 
Ang mga ‘to’y alinsunod na rin sa lagi nilang binabanat na paraan ng bautismong ginawa ni San Felipe sa eunukong taga- Ethiopia.
GAWA 8:38“Pinatigil ng eunuko ang karwahe; LUMUSONG SILANG DALAWA SA TUBIG, at binautismuhan siya ni Felipe.” (MBB)

Dahil sa ginawang paglusong ng eunuko at ni Felipe, iniisip ng mga nasa labas ng Iglesia Catolica na ang marapat na pagbinyag ay ang paglubog. PERO IYON LANG BA TALAGA ANG NAG- IISANG PARAAN AT KATURUAN SA BIBLIA?

KUNG ATING AALAMIN ANG ETYMOLOGICAL MEANING NG BAPTIZE, HINDI NAMAN ITO NALALAYO SA KAHULUGAN NG “LUBOG”. Ito ay nanggaling sa salitang Griyego na “BAPTIZEIN” na nangangahulugan “to dip” o “to immerse” na kung isasalin sa salitang tagalog ay “LUBOG”.
to baptize (Greek baptizein) means to "plunge" or "immerse"; Source: http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p2s2c1a1.htm
                Tama na akma lamang ang paraan ng “lubog” sa kahulugan ng “Bautismo”, pero umiikot lamang ba ang kahulugan ng bautismo sa “paglubog”?

Tingnan muna natin ang kahulugan ng bautismo sa Banal na Kasulatan!

Ayon sa Biblia, ito ay naglilinis at naghuhugas ng ating pagkatao mula sa masamang budhi,

HEBREO 10:22  
Kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 
(MAKIKITA RIN ANG KAHULUGAN NITO SA 1 CORINTO 6:11 AT COLOSAS 2:11)

TAYO RIN AY NABAUTISMUHAN KASAMA NG PAGLILIBING SA DATI NATING PAGKATAO!
ROMA 6:4Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.(MBB)
AT LALONG ISA ITO SA MGA NAGLILIGTAS SA ATIN!

1 PEDRO 3:21Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.(MBB) 
(MAKIKITA RIN SA MARCOS 16:16)

Ngayon, masasabi bang ang bautismo ay mauuwi lang sa isang paraan, ang paglubog? Hindi! Ang bautismo ay nakasalalay sa kung ano ang kahulugan nito na kung saan ay “SYANG NAGLILINIS NG ATING MAKAMUNDONG LAMAN.” Pero tingnan natin kung lahat ba’y nabautismuhan sa “lubog” na paraan!
GAWA 9:18 
Noon di’y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.(MBB)
KUNG totoong ang lahat ng bautismo ay dapat paglubog, bakit si San Pablo ay nakatindig o nakatayo nang bautismuhan? Makakatayo ka baga sa tubig gayong dapat ikaw ay lumusong sa tubig ? hindi! Malinaw na sinabi na si San Pablo’y nakatayo o nakatindig nang bautismuhan! Lalo rin itong pinatunayan sa Gawa 22:16
GAWA 22:16  
At ngayon, ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na, magpabautismo at manalangin ka sa kanyang pangalan upang mapatawad ka sa iyong mga kasalanan.'"(MBB)

ALAM NATING MAY TINUTUKOY NA BAUTISMO SA ESPIRITU- SANTO SA BIBLIA. ITO’Y MAKAILANG- ULIT NA BINANGGIT SA BIBLIA:

MATEO 3:11 
Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ang siyang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas. 
(MAKIKITA RIN SA LUCAS 3:16)

Malinaw na bautismo rin ang tawag ditto na syang inihula sa Malakias 3:2, PERO BAKIT HINDI INILUBOG ANG MGA KRISTYANO SA APOY GAYONG BAUTISMO RIN ITO? Malinaw na hindi sila inilubog sa apoy at bagkus ay nalaglag at bumuhos ito sa kanila.
GAWA 2:3May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila,(MBB)

PINATUNAYAN RIN ITO NI SAN PABLO MULA SA KANYANG EPISTULO!


TITO 3:5-6 
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu SantoNa kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas; 

SAMAKATWID, NAAAYON DIN PALA ANG “BUHOS” SA PARAAN NG PAGBINYAG AT ITO’Y NAIHULA NA RIN MULA SA LUMANG TIPAN NA SYANG TUMUTUKOY SA PAGWIWISIK!
EZEKIEL 36:25 
At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.

SINABI RIN MULA SA PROPESIYA NI PROPETA JOEL NA ANG DIOS AY MAGBUBUHOS NG ESPIRITU- SANTO!
JOEL 3:1-5 
Pagkatapos nito, ipagkakaloob ko ang aking Espiritu a sa lahat ng tao: ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki't babae ang aking mga mensahe. Magkakaroon ng mga panaginip ang inyong matatandang lalaki, at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki. 
Sa panahong iyon, IBUBUHOS KO RIN ANG AKING ESPIRITU maging sa mga alipin, lalaki man o babae. 
"Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa; dugo, apoy at makapal na usok. 
Ang araw ay magdidilim, at ang buwan ay pupulang parang dugo bago dumating ang dakila at nakakatakot na araw ni Yahweh. 
At sa panahong iyon, ang LAHAT NG HIHINGI NG TULONG KAY YAHWEH AY MALILIGTAS. Gaya ng kanyang sinabi, may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.

"SAMAKATWID,PINAGPAUNA NA NANG DIOS ANG PAGBUBUHOS BILANG KAHAYAGAN NG KANYANG GAGAWING PAGLILIGTAS, PERO NANGINGIBABAW PA RIN ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG BAUTISMO NA SYANG NAGLILINIS NG KASALANAN 

No comments:

Post a Comment

Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.