Showing posts with label no religion can save you. Show all posts
Showing posts with label no religion can save you. Show all posts

Tuesday, August 27, 2013

CRISTIANONG WALANG RELIHIYON?

MATTHEW 16:17-19 And Jesus answered and said unto him, Blessed art thou, Simon Barjona: for flesh and blood hath not revealed it unto thee, but my Father which is in heaven. And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it. And I will give unto thee the keys of the kingdom of heaven: and whatsoever thou shalt bind on earth shall be bound in heaven: and whatsoever thou shalt loose on earth shall be loosed in heaven. (KJV)
Palaging pinipilit ng mga BA at ng mga kakampi nilang Baptists ang doktrina nilang “NO RELIGION CAN SAVE YOU” (NRCSY). Ano nga ba ang sinasabi ng Biblia ukol dito.

Sinabi ni PANGINOONG JESUS sa Juan 14:6;
Juan 14:6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (MBB)

Nasaan ba ang katotohanan? Ito ba’y nasa kahit saan?
Tingnan natin ang sulat ni SAN PABLO sa 1 Timoteo 4:16,

1 TIMOTEO 3:15-16(MBB)upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan. 
Hindi maikakaila na napakadakila ng HIWAGA NG ATING RELIHIYON: Siya’y nahayag nang maging tao, pinatunayang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan.
 
Sa sinabi ni San Pablo, malinaw na ipinapahayag na ang katotohanang binabanggit dito ay si Jesus na Sya naming pinapangaral ng Relihiyon. Ibig sabihin, ang katotohanan ay ipinapahayag ng Relihiyon sapagkat ang katotohanan ay nasa loob ng Relihiyon.

SAAN NAMAN KAYA NILA NAKITA ANG NRCSY?
Magbasa pa nga tayo ng mga talata sa Biblia!
Sinabi ni PANGINOONG JESUS sa Juan 10:9

Juan 10:9Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas

Kailangan palang PUMASOK muna. Pagpasok ba naman kaya ang ginagawa nila sa pagtanggap lamang kay JESUS? Hindi iyon sapat sapagkat kailangang PUMASOK! Hindi lamang nahihinto sa pagtanggap kay JESUS bilang Personal na Tagapagligtas ang pananampalataya kundi ang pagpasok mismo kay JESUS!

SAAN NAMAN NGAYON MAPAPABILANG ANG PUMASOK KAY JESUS?

basahin natin ang Juan 10:16;

Juan 10:16Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila’yipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging ISA NA LAMANG KAWAN AT ISA ANG PASTOL.

 Sa pagpasok kay Cristo, nangangahulugan din pala itong pagpasok sa isang KAWAN. Ano nga ba ang KAWANG ITO?

basahin natin sa Gawa 20:28;

Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila’y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos Panginoon. na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak. 
Kitam? Sinabi “sa kawan” at hindi “sa mga kawan”. Nangangahulugan na iisa lamang ang kawan, ang IGLESIA! Papaanong mapapaliwanag ng mga Baptists ang napakaraming Baptist churches na hindi nagkakasundo?

Hindi agad sila qualified dahil napakaraming kawan ang naitatag nila gayong ang Simbahan na Totoo ay dapat iisa. Isang sekta nga lang ang pinapangaral ni San Pablo e.

GAWA 24:5(MBB)Natuklasan naming ang taong ito’y nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya’y isang pasimuno ng sekta ng mga Nazareno.

Si San Pablo ay hinuli dahil sa syang pasimuno ng sekta ng NAZARENO, ang Iglesya, samakatuwid ang Relihiyon! Nangangahulugang si San Pablo mismo ay nagpapakilala ng isang sekta, isang relihiyon.

GAWA 24:14
Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta; (ADB)
Sa isang translation sa Mabuting Balita
Gawa 24:14
“Tinatanggap kop o na ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na ipinapalagay nilang maling sekta.
Ano nga ba ulit ang Daang ito?

Juan 14:6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (MBB)

Si JESUS ang DAAN! Ibig sabihin, ang pananampalataya mismo kay JESUS ay isang SEKTA, isang RELIHIYON! Isang RELIHIYON ng mga CRISTIANO. Isang IGLESIA lamang ang manatili na Syang totoo at tunay na kinasihan ng DIYOS.

So, papaano ngayon mapapaliwanag ng mga NON- SECTARIANS na Born Again ang “NRCSY”? papaanong mapapatunayan na mahal nila ang Diyos kung tinatanggi nila ang existence ng tunay na religion? Wew naman! Ang dami naming mali sa pananamplataya nila. Mahal daw nila ang Panginoong Jesu- Cristo sa pamamagitan ng personal relationship pero ayaw nilang tanggapin ang Sekta ng Nazareno! Patawa naman talaga masyado ang mga non- sectarians na ito!

EFESO 1:22-23,

 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya.  Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.
Ang kulit naman masyado ng mga non- sectarians na ito! Hindi pala kumpleto ang kanilang pananampalataya. Mahal daw nila ang Panginoong Jesu- Cristo gayong AYAW NILA NG KATAWAN NYA NA SYANG NAG- IISANG IGLESYANG INALAYAN NYA ng KANYANG SARILING DUGO! Gusto lang nila ang ULO, AYAW NILA NG KATAWAN. MASYADONG INComplete.

Ang sabi pa nila, kahit sino raw pwedeng maligtas basta’t kilalanin mo lang si JESUS bilang PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS. Kahit ano raw ang relihiyon mo maliligtas ka basta tanggapin lang daw si Jesus. INComplete talaga e.

EFESO 4:4May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo’y tawagin ng Diyos.
 
E papanung kahit ano raw na relihiyon ay maliligtas, e nag- iisa nga lang ang katawan. Wew! Papaanong maliligtas ang nasa ibang relihiyon e ang tanging katawan na tinutukoy sa Biblia ay nag- iisa lang?! maliligtas kaya ang mga non- sectarians na hindi kabilang at hindi tinatanggap ang existence ng TOTOONG RELIHIYON?


EFESO 5:23Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.

Nakalagay, “na KANYANG KATAWAN”. Ibig sabihin, IISA LANG ANG KATAWAN NA ILILIGTAS NYA! IISA LANG NA IGLESIA ANG KANYANG ILILIGTAS. ILILIGTAS NYA ANG NAG- IISANG SEKTA. ANG SEKTANG NAZARENO, ANG TUNAY NA IGLESIA NG DIOS!

So ano ang mangyayari sa mga non- sectarians na hindi kumikilala sa sektang itinatag ni JESUS ayon sa

MATEO 16:18At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.

Malay ko kung papaano ang salvation nila. Ganito ang sabi ng Biblia e.

1 CORINTO 5:12Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristianoang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba’t ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.”
 
Basta ang DALISAY NA RELIHIYON AY NASA BIBLIA

Basahin ang Santiago 1:27:Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. (ADB)
Remember the etymological meaning of religion:

"state of life bound by monastic vows," also "conduct indicating a belief in a divine power," from Anglo-Fr. religiun (11c.), from O.Fr. religion "religious community," from L. religionem (nom. religio) "respect for what is sacred, reverence for the gods," in L.L. "monastic life" (5c.); according to Cicero, derived from relegere "go through again, read again," from re- "again" + legere"read" (see lecture). However, popular etymology among the later ancients (and many modern writers) connects it with religare"to bind fast" (see rely), via notion of "place an obligation on," or "bond between humans and gods." Another possible origin isreligiens "careful," opposite of negligens. Meaning "particular system of faith" is recorded from c.1300.
To hold, therefore, that there is no difference in matters of religion between forms that are unlike each other, and even contrary to each other, most clearly leads in the end to the rejection of all religion in both theory and practice. And this is the same thing as atheism, however it may differ from it in name. [Pope Leo XIII, Immortale Dei, 1885]
Modern sense of "recognition of, obedience to, and worship of a higher, unseen power" is from 1530s.

Nakalagay, ito ay nanggaling sa Latin word na religare na nangangahulugang idugtong at ikabit muli ang naputol na relasyon sa Dios.

Papaanong makapapanampalataya ang isang mananampalataya hangga’t hindi nakakabit muli ang relasyon nito sa PANGINOON? Kaylangan ng Relihiyon dahil ito mismo ang mainam na sangkap para sa isang relasyon ng isang Cristiano sa Dios.

Saturday, August 17, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 4

Narito na naman tayo sa isa pang bahagi ng ating pagsiwalat sa kapalpakan at kamalian ng mga doktrinang pang-kaligtasan ng mga born-again. Naitalakay na natin ang mga ilang kapalpakan sa OSAS,ang isyu ng tunay na bilang ng aklat sa Biblia at marami pang ibang mga paksa. Ngayon naman, maaari nating maisama ang mga nakaraang topics bagaman may ilang pagdiriin o empasis sa mga kapalpakan ng  ating bida. Halina't simulan natin:

Hindi religion ang mahalaga kundi ang personal na relasyon mo kay Hesus..”(ISANG TANONG ISANG SAGOT- Ptr. Lapiz, Ed) 
Una sa lahat, ano ba talaga ang depinisyon ng “RELIHION”?

Ayon sa ating mga elektronik na mapagkukunan:

“However, popular etymology among the later ancients (and many modern writes) connects it with “RELIGARE” “to bind fast”via notion of “place an obligation”, or “bond between humans and gods.” (source:htttp://www.etymonline.com/index.php?term=religion)

Ayon mismo sa mga eksperto pagdating sa etimolohiya, ang salitang “religion” ay nanggaling sa Latin term na “RELIGARE” na nangangahulugang “to bind again our relationship with God”. Ibig sabihin, ANG RELIHION MISMO ANG SYANG RELASYON SA DIOS. “religion is the relationship itself!”

Re+ Ligare= again+ to bind= TO BIND AGAIN

Naging napakakenkoy lamang ang mga hunghang na born-again pagdating sa tunay na depinisyon ng relihion dahil sa naloko sila sa mga ilang verses na pinapakita sa kanila ng mga “do it yourself- religion” pastors. Ibig sabihin, nawawala na ang tunay na aral ni Cristo na ibigin ang kanyang iglesya gaya ng pag-ibig Nya rito. Isa pa sigurong naging dahilan ay ang paglitawan ng mga sektang Protestanteng nanliligaw ng landas nang marami kaya naman naging “skeptics”sila pagdating dito. Dahil sa naging “skeptic” sila, nagkaroon sila ng konklusyon na “Walang relihion ang makapagliligtas” sa tao at dahil na rin sa 38,000 sekta na naglitawan, maraming tao ang naguluhan kung saan sa mga ito matatagpuan ang katotohanan!

Ngayon,Biblikal ba ang sinasabi ng ating bida?

Hindi!Bakit?

Kung titingnan natin ang salin ng Mabuting Balita na copyright ng PBS:

1Timoteo 3:16(MBB)
NAPAKAHIWAGA NG MGA KATOTOHAN NG ATING RELIHION:“Siya'y nahayag nang maging tao,At pinatotohanan ng Espiritu,Nakita ng mga anghel.Ipinangaral sa sanlibutan,Pinaniwalaan ng lahat,At sa langit ay tinanggap.”

Ibig sabihin, ANG KATOTOHANAN AY NASA RELIHION dahil ayon mismo sa sitas,“napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihion.”

ano nga ba ang katotohanan kung titingnan natin ang Biblia? Hindi ba't nagpakilala rin si Jesus bilang “Katotohanan”?

Juan14:6 (MBB)
sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ANG KATOTOHANAN, at ang buhay...”

Ibig sabihin, si Jesus, ang kanyang katotohanan ay ipangangaral lamang ng nag-iisang relihion (sapagkat “singular subject” ang tinutukoy na relihion sa sitas).Tunay nga na ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa nag-iisang relihion!

Kung mapapansin natin sa mga born-again, palagi nilang sinasabi na wala silang kinabibilangan na sekta dahil SILA UMANO AY MGA NON-DENOMINATIONAL DENOMINATION O NON-SECTARIAN MOVEMENTS! Kung titingnan natin ang Biblia, walang sinabi na ang mga Cristiano ay walang kinaaanibang sekta/relihion ngi ang kasaysayan ay walang binabanggit ukol dito!

Tingnan nga natin kung non-sectarian ang mga Cristiano ayon sa mga aklat ng reperensya:

CHRISTIANITY AROSE AS A SECT of Judaism inthe first century A.D when Roman empire was its peak.” (source: p.273 “TheReligions of the World”. Hoppe, Lewis M.)

Napakalinaw sa aklat-kasaysayan na ang Kristyanidad ay nagsimula bilang sektang nanggaling sa relihiong Judaismo sapagkat ang mga naunang apostol at ang pinaniniwalaang Mesiyas ng mga Cristiano ay pawang mga Judio.

“As a tradition, Christianity is more than A SYSTEM OF RELIGIOUS BELIEF.”(source: p.251, Britannica Encyclopedia.Vol.16- 2007)

Nangangahulugan lamang na ang Kristyanidad ay isang sistemang panrelihion at hindi isang non-sectarian system na tinutukoy ng mga born-again! Kaagad nilalabag ng mga lapastangang born-again na ito ang tradisyong patuloy na sinusunod ng mga tunay na Kristyano simula pa noong 33 AD. Tahasan nilang tinatanggi ang esensya ng tunay na relihion na tinatag ni Jesus sa pamamagitan ni San Pedro bilang unang Santo Papa (Mateo 16:18-19)!

Gawa24:5
“Natuklasan namin na ang taong ito'y(SANPABLO) nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya'y ISANG PASIMUNO NG SEKTA NG MGA NAZARENO.”

Ayon mismo sa tala ni San Lukas sa aklat ng Gawa, si San Pablo ay syang pasimuno ng sekta ng Nazareno na samakatwid ay syang relihion ng mga Cristiano. Hindi ito itinanggi ni San Pablo dahil totoo namang kabilang sya sa sektang naniniwala sa Nazareno na sya ring si Jesus! Ngayon, bakit ang mga born-again na ito ay tinatanggi ang esensya ng pakikibaka ni San Pablo para sa tunay na sekta???isasawalang kabuluhan na lamang ba nila ang pagkamartir ni San Pablo alang-alang sa pagtatanggol sa sekta/ relihiong ito?


Gawa 24:14
“tinatanggap ko po na ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na ipinapalagay nilang maling“SEKTA””. 
Napakalinaw mga kapatid, ano po? Inamin ni San Pablo ang pagkakabilang nya sa sekta na pinapalagay naman ng iba na mali! Malinaw na kasing-ugali ng mga hunghang na born-again ang mga Judiong umusig kay San Pablo! Sila ay taksil sa tunay na aral!


Darako naman tayo dun sa isa pang pitfall doctrine ng mga born-again:

“Ang salvation after rapture is by works, sohe who remains faithful to the end will be saved. Hindi nakaka-apply sa atinyung verse na yun, sa tribulation saints yun” (p.26,ISANG TANONG ISANG SAGOT)

Saan naman kaya mababasa na para sa tribulation saints ang “works”? Hindi ba't utos ni  San Jaime na gumawa kalakip ng ating pananampalataya!

Santiago2:26
“Patay ang katawang hiwalay sa espiritu;gayon din naman, PATAY ANG PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA GAWA.”

Kitam?Patay ang pananampalatayang hiwalay sa gawa gayon din naman, walang kwenta ang pagsamba kung hindi sumusunod sa utos! Isa pa, bakit sinasabing “by works only”ang salvation sa rapture at hindi na raw kailangan ng faith sa panahon na yaon??

Filipos3:14
“Nagpapatuloy nga ako sa hangganan upang kamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Dios sa pamamagitan ni CristoJesus, ang buhay na hahantong sa langit.”

malinaw na nakalagay ang “nagpapatuloy” na nangangahulugan lamang na hanggang wakas,kailangan na maituloy natin ang sinimulang pananampalatayang pinapatunayan ng gawa. Ang dalawang ito ay tunay na magkasama bilang sangkap ng kaligtasan! Ang pananampalataya ay dapat magpatuloy maging sa tibulation!

1 Corinto 13:13(MBB)

“Ang tatlong ito'y NANANATILI: ANG PANANAMPALATAYA, pag-asa at pag-ibig...”

o,nananatili pala e! Pero bakit winawala nila ang faith sa tribulation gayong kailangan itong manatili!
 Idinugtong pa sa nasabing pahina ng palpak na aklat ang ganito:

“Hindi naka-apply sa atin 'yung verse na 'yun; sa tribulation saints”

ang tinutukoy na verse sa sinabi ay ang Mateo 24:13 na nagsasabing:

“Ngunit ang nananatili hanggang wakas ay syang maliligtas.”

Hindi raw applicable ang nasabing sitas dahil para raw lamang iyon sa pagdating ng panahon ng pagdalamhati o tribulation. Totoo ba ito? Hindi po mga kapatid!Bakit? Dahil nangyayari na po ang mga nasabing hula bago banggitin ang nasabing sitas sa Mt. 24:13! ano ba ang sinasabi bago iyon?

Mateo24:9
Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw nila ang marami.”

ilan na po ba ang mga naglitawang bulaang pastor/propeta sa kasalukuyan? Nangyayarina po iyon, hindi po ba? Tiyak po ako na nangyayari na iyon dahil sa nagsilitawan ang marami sa kanila sa bilang na 38,000 sa buong daigdig!

Ipagpalagay nating tama ang kakenkuyan na ito, nakapaloob ba ito sa ebanghelyo ni Jesus?Hindi po!

Mateo 22:36;
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.”

Sa palagay nyo ba, ang pag-ibig ay maipapakita sa laway ng ating bunganga?Maipapakita lamang ba ito sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi po!

1 Juan 3:18
“Ipakita natin ANG TUNAY NA PAG-IBIG SA PAMAMAGITAN NG GAWA.”

ang SINUMANG NAGSASABING “MAHAL KO ANG DIOS” AY DAPAT IPAKITA ITO SA PAMAMAGITAN NG GAWA, hindi po ba?

Abangan ang susunod na kabanata