Saturday, August 17, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 3



Nuong mga nakaraang artikulo, nagkaroon tayo ng paghimay sa mga nabalangkas na maling doktrina ng ating butihing bida mula sa Day by Day ministries na si Pastor kuno Ed Lapiz. Ngayon naman, titingnan pa natin ang ilan pa nyang pitfalls kung saan hayagan nating ipapakita ang mga kapalpakan ng ating bida. Halina't himayin natin ang mga kakenkuyan na ito:

naalala nyo ba ang dalawang nakapako sa magkabila ni Kristo at kung paano niya nailigtas ang       isa?... marami kasing nagsabi na para masave, kailangan ikaw ay banal. Sa tingin nyo ba banal ang lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, today you will be with me in paradise. Pumunta ba sya sa paraiso? Siempre. Banal ba sya?Hindi. So hindi totoo na dapat maging banal para ma-save.
(mula sa: p.17, ISANG TANONG ISANG SAGOT)

So ano pala dapat? “believing lang ba at ang sinasabing“relationship”? Kaaligagaan ang sinasabi nito!Malinaw kasing karugtong ito ng doktrinang Once Saved always Saved na sya nang nagsilbing  marketing strategy ng mga bulaang pastor sa kasalukuyan.  Alalahanin natin ang sinabini San Pedro na nakabatay din sa Kasulatan:

1 Pedro 4:18
Kung ang matuwid ay halos hindi maligtas,ano kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanan at di kumikilala sa Diyos?”

e kung matuwid at banal pa nga ay halos hindi maligtas, ano pa kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanang tao sa mundo? Vital o mahalaga talaga ang pagpapakabanal bilang sangkap sa kaligtasang tinamo na natin mula sa redemptive works ni Cristo!

Roma 6:19;
...”ngayon nama'y ihandog ninyo ang inyong sarili sa katuwiran AT SA IKAPAGIGING-BANAL NINYO.”

Sa sinabi mismo ni san Pablo, malinaw na malinaw nating masasabi na ang Pastor kuno na tampok sa ating usapan ay syang suwail sa tunay na aral ng ating mga apostol at maging ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Balikan pa natin ang sinabi ni San Pablo;

Filipos 2:12 (MBB);
may takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan.”

o kitam? Kailangan ng maingat na paggawa upang malubos ang kaligtasan at hindi 'yung simpleng pinagsasabi sa aklat. Idugtong natin ang nasa bersikulo 14 at 15;

Filipos 2:14-15 (MBB);
Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang kayo'y maging ulirang mga anak ng Dios, malinis at walang kapintasan.

Para lalong maipakita natin ang kahunghangan ng doktrinang ito, basahin natin ang epistulo ni San Pedro;

1 Pedro 3:16 (BSP)
Nasusulat: “MAGINGBANAL KAYO sapagkat ako'y banal.”

Isipin na lang natin, kung hindi mahalaga ang pagpapakabanal,bakit pa tayo pinaalalahanan na maging banal? Isasawalang katuturan na lang ba natin ang utos na ito ni San Pedro dahil lamang sa utos ng hindi kilalang pastor na ito? Naturalenteng hindi dapat dahil ayon na mismo kay Jesus:

Lukas 10:16 (BSP)
AKO ANG DINIDINIG NG NAKIKINIG SA INYO at ako ang tinatanggihan ng tumatanggi sa inyo.”

Nangangahulugan lamang na dapat nating sundin ang utos na“magpakabanal” ni San Pedro alang-alang na rin kay Jesus na nagsasabing “ang pagsunod sa mga apostol ay pagsunod din sa Kanya.”

ngayon, papaano naman naligtas ang isang magnanakaw nakasabay na naipako sa krus? Simple lang naman ang kasagutan sa tanong na ito!Bagaman ang taong ito ay tunay na makasalanan at hindi matatawag na banal, ang TAONG ITO AY HINDI MASASABING CRISTIANO NI HINDI RIN MASASABING ISANG TAGASUNOD NI CRISTO! Bakit? Dahil sa panahong nakapako si Jesus sa krus kasabay ng dalawang magnanakaw, HINDI PA GANAP NA NAITATAG ANG SIMBAHAN/IGLESYA na syang  magiging sangkap sa kaligtasan ng tao sa mundo!

Kaylan lang ba ganap na naitatag ang sinasabing kaharian ng Dios sa lupa, ang iglesia? Ito ay naitatag lamang sa panahong umakyat na si Jesu-Cristo sa langit nuong Linggo ng Pentekostes kung saan unang naipagkaloob ang Espiritu-Santo sa mga unang taga-sunod!

So ano ang dahilan kung bakit ito naligtas?

1 Corinto 5:12-13 (MBB)
Sapagkat ANO ANG PAKIALAM KONG HUMATOL SA LABAS? Hindi ba't ang mga nasa loob ang dapat ninyonghatulan? Hahatulan ng Diyos ang mga nasa labas, pero itiwalag ninyo ang baluktot na tao.”

Nangangahulugan lamang na wala tayong pakialam sa mga taong nasa labas ukol sa paghatol sa kanila, bagkus ANG DIOS ANG BAHALA SA KANILA KUNG PAPAANONG HAHATULAN SILA NG DIOS. Subalit sa ganyang pagkakataon, lubhang  magiging mahirap sa kanila ang kaligtasan ngunit napakapalad ng magnanakaw na makaharap nya mismo ang Panginoon. Sa pagkakataong yaon, ANG DIOS ANG HUMATOL SA KANYA at ang naging hatol sa kanya ay ang pagsama nya sa paraiso. Anu pa bang magagawa natin kung iyon ang hatol sa kanya? Sa kabutihang palad,NASUSULAT SA ATING DOKTRINA ANG GANYANG ARAL.

We do not believe, of course, that all non-Catholics go to hell, any more than we believe that just calling oneself a Catholic will get one to heaven. The dictum that “Outside theChurch, there is no salvation,” means no salvation for those who are outside the Church through their own fault. One who has been a Catholic and who deliberately abandons the Church cannot be saved unless he returns... THOSE,HOWEVER, WHO ARE OUTSIDE THE CHURCH THROUGH NO FAULT OF THEIR OWN, AND WHO DO THE BEST THEY CAN ACCORDING TO WHAT THEY KNOW, MAKING GOOD USE OF THE GRACES THAT GOD SURELY WILL GIVE THEM IN THE VIEW OF THEIR GOOD WILL- THEY CAN BESAVED.” (p.175, The Faith Explained- 3rd edition. Fr. Trese, Leo J.) 
nangangahulugan lamang na maaaring maligtas ang sinuman na hindi naman nakakaalam sa pananampalatayang Catolico sa loob ng iglesya subalit mayroong mabuting-kalooban na nababatay sa pinagkaloob sa kanila ng Poong Maykapal. Ano bang malay ng magnanakaw sa tinuturo ni Cristo na “magpakabanal”?Ano bang alam nya sa katuruan ng pagbibinyag, pagkukumpil at pagsunod sa utos ni Cristo? Wala, dahil sa panahong nakapako sya, wala syang magagawa ni walang alam sa iglesyang itatatag lamang ng lubusan sa ika-50 araw matapos mabuhay mag-uli si Cristo, sa araw ng Pentekostes!

Ito pa ang matindi sa sinasabi ng ating bidang pastor:

[kung nasave 'yon,DAPAT NAGING BORN AGAIN 'YON]

Nais ipakahulugan ng pastor na ang magnanakaw ay isang BornAgain dahil sa implikasyong nasave sya. Kumbaga ang formula nila sa pagiging born-again ay ganito:
“Accept
Believe
Commit”

ang mahiwagang tanong, nasaan naman ang commitment o ang patunay na naging born again ang magnanakaw kung pagkatapos pa lang ng “accept”ay patay na sya?? papaano pa sya magiging isang bagong nilalang kung hindi nya maipapakita ang pagbabago sa kanya?

Nagpapatunay lamang na kenkoy itong doktrina ng pastor kuno na bida sa ating atrikulo!

1 Juan 3:9 (AB)
“ang sinumang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala...”

papaano nya maipapakita ang pagbabagong katangian nya kung pagkatapos nyang matanggap si Cristo ay patay na sya? Edi hindi nya nasunod ang“commitment stage” na sinasabi ng ating butihing pastor!

E bakit kaya nya nasabing born-again itong magnanakaw? Nasunod nga ba nya lahat ng qualifications?

Juan 3:3(BSP)
Sumagot si Jesus sakanya: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ngDiyos kung HINDI SYA ISISILANG MULI MULA SA TAAS. (note: Bible scholars admitted that the correct translation for born-again is BORN FROM ABOVE)

E ngayon, anu bang ginagawa sa mga born-again daw?

Edi dugtungan natin:

Juan 3:5 (BSP)
“...walang makakapasok sa kaharian ng Diyos KUNG HINDI ISISILANG MULA SA TUBIG AT ESPIRITU.”

hindi na kailangang pag-isipan pa na ang tinutukoy dito ay ANG MAHALAGANG SAKRAMENTO NG BINYAG NA PINAG-PAUNA NA NI JESUS NA MANGYAYARI PAGKATAPOS NYANG MAIBIGAY ANG LUBOS NA KAPANGYARIHAN SA MGA APOSTOL!

Ang mahiwagang tanong, NABINYAGAN BA ANG MAGNANAKAW PARA SABIHING “BORN-AGAIN” SYA?? HINDI NAMAN diba? Ibig sabihin, ang magnanakaw na nakasama sa paraiso AY HINDI ISANG BORN-again!



 ITUTULOY...

2 comments:

  1. ang ibig sabihin ba ni Jesus sa Born Again eh binyag? amff MATEO 29:22 KA TALAGA SIR :D

    ReplyDelete
  2. born again doctrine is equal to baptism

    that is why there is a so-called "BORN IN WATER AND SPIRIT"

    IN JOHN 3:5

    ReplyDelete

Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.