Sunday, August 18, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 6

Nasa ikaanim na bahagi na tayo ng kritisismo sa aklat ni Pastor Ed Lapiz at sa mga doktrina ng mga born again ukol sa kaligtasan at sa mga doktrinang pang-teolohiya, ngayon naman ay tutungo tayo sa pinal na argumento bagaman hindi na natin nailahad lahat-lahat ang buong mga pagkakamali sa nasabing aklat. Tunghayan ang mga ilan pang pagkakamali sa doktrina ng mga born-again na tunay namang palpak at kulang sa substanya ng eksplanasyon/paliwanag.

[“Tinabunan ng kung anu-anong religious issues, tinabunan ng kung anu-anong do's and dont's, tapus yung pinakamahalaga na magdadala sa tao sa langit, hindi tinuturo- you must be born-again...][hindi ito bago[born again]. Nagmumukha lang bago dahil hindi tinuro ng Simbahan sa nakaraang 2,000 years] (p.9)

Grabe naman ang pagkakenkoy nitong pastor na ito at sinisisi pa ang Simbahan sa hindi pagtuturo ng pagiging born-again/ born from above. Ang katotohanan po, bukas po sa publiko ang aral ng Katesismo sa mga tao na sya mismong naglalaman ng turo ukol sa pagiging born-again. In fact, itinuturo nga ng maraming pari na ang mga Katoliko ay tunay na mga born-again dahil sa pagsunod sa kwalipikasyon ng pagiging born-again! 2000 taon na po itong itinuturo magmula po sa mga Church Fathers hanggang sa kasalukuyan!

Masasabi po nating born-again/ born from above ang mga Katoliko dahil sa nasunod nito ang kwalipikasyon:

Juan 3:5(BSP)
...”walang makakapasok sa kaharian ng Diyos kung hindi isisilang muli sa tubig at Espiritu.”

Hindi po ba tumutukoy ito sa sakramentong binyag na natanggap natin mula sa Banal na Simbahan? Hindi po ba tumutukoy ito sa dalawang magkarugtong na sakramento ng binyag at kumpil?

Ngayon,panu po nating masasabi na sinungaling ang pastor na ito sa pagsasabing hindi raw tinuro ng mga taong-simbahan ang aral ukol sa pagiging born-again? Aba'y tunghayan na lang natin ang mga epistula ng ating mga  Church Fathers na lubos na ginagalang ngSimbahan.

St.Augustine, bishop of Hippo
“It is this spirit who makes it possible for an infant to be REGENERATED... when that infant is brought to baptism; and it is this through this one Spirit that the infant so presented is REBORN. For it is not written, “unless a man be born again by the will of his parents” or by“faith of those parenting him or ministering him”, but, “Unless a man be born again of water and the Holy Spirit.” The water, therefore, manifesting exteriorly the sacrament of grace, and the Spirit effecting interiorly the benefit of grace. Both REGENERATE in one Christ that man who has generated in Adam.”(Letters 98:2 [AD 408])

Polycarp,a disciple of the Apostle John
“Christ came to save all who through Him are BORN AGAIN UNTO GOD, infants anf children, boys and youths, and aged persons.”(Against Heresies 2, 22:4 [1st century AD])



St.Irenaeus
He [Jesus] came to save all through himself-all, I say, who through him are REBORN IN GOD; infants and children, youths,and old men. Therefore he passed through every age, becoming an infant for infants, sanctifying infants; a child for children, sanctifying those who are of the age... [so that] he might be the perfect teacher in all things, perfect not only in respect to the setting forth of truth, perfect also in respect to relative age. (Against Heresies 2:22:4 [A.D.189])
 
Kitang-kita naman ang petsa ng mga epistulang nasa taas na halos 1900 na taon ng nakalilipas! Ibig sabihin, mali ang sinabi ng pastor na hindi ito tinuro ng Simbahan sa nakaraang 2000 taon bagkus kahit sa simula pa, itinuturo na ng simbahan ang “REGENERATIVE WORKS, BORN AGAIN, BORN ABOVE” na syang makukuha lamang sa sakramento ng  binyag at kumpil!

Tinuro ng Simbahang Katolika ang pagiging born-again NOONG 33 AD PA LANG SA LINGGO NG PENTEKOSTES (book of Acts) AT NAGPATULOY HANGGANG 189 AD, 408 AD, AT HANGGANG SA KASALUKUYAN! MALING-MALI PO NA ISIPIN NA HINDI ITO TINURO KUNG TITINGNAN ANG KASAYSAYAN NG SIMBAHAN!

Napaghahalataan na po nating palpak ang ating bidang pastor pagdating sa kasaysayan dahil hindi nya isinaalang-alang ang mga tala sa kasaysayan ng Simbahan na magbabasura sa kanyang walang kwentang proposisyon! Darako naman tayo sa isa pang kapalpakan na maaaring maging pinakahuling topic na ating matatalakay:

[Tradition lang yung krus na symbol ni Christ pero hindi Nya inendorse kahit kailan] (p.102) 
Ang lakas naman ng loob ng pastor na ito para sabihing hindi ito inendorse ni Cristo. Kahit nga ang mga apostol ni Jesus, ito ang ginamit sa ebanghelisasyon  at sa pagtuturo ng mga basikong aral ukol kay Cristo. Hindi lang po ito simpleng tradisyon bagkus ay nakasulat din sa Kasulatan. Kakampihan pa kaya ang pastor na ito ng Biblia kung sasangguni tayo rito?

Ginamit po ang tanda/ tatak ng Krus maging sa Lumang Tipan:

St. Helen and the true cross of Christ with her
Ezekiel 9:4-6 (BSP)
Libutin mo ang Jerusalem at TATAKAN NG KRUS SA NOO ang mga nagdadalamhati at umiiyak dahil sa mga kasuklam-suklam na nagaganap doon...Huwag kayong magpakita ng habag. Patayin ninyo silang lahat-matatanda't kabataang lalaki, mga dalaga, mga bata at mga babae-NGUNIT HUWAG NINYONG LAPITAN (SAKTAN) ANG SINUMANG MAY TATAK NG KRUS SA NOO...”

DIYATA'T INILILIGTAS NG ATING DIOS ANG MAY TATAK NG KRUS SA NOO, ANO PO? Ibig sabihin,maging sa Unang Tipan pa lang, ginagamit na ng Dios ang Krus sa pagliligtas sa mga taong nasa Kanya, tama po ba? Malinaw naman pong hindi hinayaan ng Dios na masaktan ang mga taong may tatak ng krus sa noo!

Inutos ni Jesus na yakapin ang krus:

Marcos 8:34 (MBB)
...limutin niya ang ukol sa kanyang sarili,PASANIN ANG KANYANG KRUS at sumunod sa akin.”

Malinaw po na pinapahawak sa atin ng Dios ang krus sa pagsunod sa kanya, hindi po ba?Dapat po nating sundin ito dahil ito mismo ang sinabi ni Jesus!

Ginamit po ni San Pablo ang krus sa pagtuturo sa mga taga-Galasya:

Galasya 3:1 (BSP)
O tangang mga taga-Galasya! Sino ang kumulam sa inyo, NA SA INYONG MGA MATA'Y LANTARAN PA NAMANG ITINANGHAL SI JESUCRISTONG NAKAPAKO SA KRUS?

O,ibig sabihin po na ang KRUS PO AY GINAMIT NI SAN PABLO SA PAGLALANTAD SA KATOTOHANAN UKOL KAY JESUS! Lantaran po itong pinakita, papaano po kaya nya ito pinakita gayong sa panahon na iyon ay wala pang Biblia na lumalabas?

Ineendorso po ni San Pablo ang krus na dapat itong ipagmalaki:

Galasya 6:14 (MBB)
“ANG KRUS lamang ng ating PanginoongJesu-Cristo ANG SIYA KONG IPINAGMAMAPURI.” 
Sinabi ni San Pablo na para sa mga tanga, ang krus ay walang kwenta:

1 Corinto 1:18 (BSP)
“KATANGAHAN TALAGA ANG SALITA NG KRUS PARA SA MGA NAPAPAHAMAK, subalit kapangyarihan ito ng Diyos para sa ating mga naligtas.”

Para sa mga nailigtas pala, ANG KRUS PO AY KAPANGYARIHAN NG DIOS. PARA SA TANGA NAMAN, ITO AY WALANG KWENTA. TANGA PO KAYA ANG PASTOR NA NAGSABI NITO? KAYO NA PO ANG HUMUSGA!

MAG-INGAT PO TAYO SA MGA TAONG KAAWAY NG KRUS TULAD NG PASTOR NA ITO:
FILIPOS 3:18
Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 

2 comments:

  1. 33 AD tinuro? haha catholic si Peter? patawa si mark poyaoan...

    ReplyDelete
  2. YES

    BAKIT MAY ANGAL KA??? SABIHIN MO LANG

    ReplyDelete

Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.