Showing posts with label Pastor Ed Lapiz. Show all posts
Showing posts with label Pastor Ed Lapiz. Show all posts

Sunday, August 18, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 6

Nasa ikaanim na bahagi na tayo ng kritisismo sa aklat ni Pastor Ed Lapiz at sa mga doktrina ng mga born again ukol sa kaligtasan at sa mga doktrinang pang-teolohiya, ngayon naman ay tutungo tayo sa pinal na argumento bagaman hindi na natin nailahad lahat-lahat ang buong mga pagkakamali sa nasabing aklat. Tunghayan ang mga ilan pang pagkakamali sa doktrina ng mga born-again na tunay namang palpak at kulang sa substanya ng eksplanasyon/paliwanag.

[“Tinabunan ng kung anu-anong religious issues, tinabunan ng kung anu-anong do's and dont's, tapus yung pinakamahalaga na magdadala sa tao sa langit, hindi tinuturo- you must be born-again...][hindi ito bago[born again]. Nagmumukha lang bago dahil hindi tinuro ng Simbahan sa nakaraang 2,000 years] (p.9)

Grabe naman ang pagkakenkoy nitong pastor na ito at sinisisi pa ang Simbahan sa hindi pagtuturo ng pagiging born-again/ born from above. Ang katotohanan po, bukas po sa publiko ang aral ng Katesismo sa mga tao na sya mismong naglalaman ng turo ukol sa pagiging born-again. In fact, itinuturo nga ng maraming pari na ang mga Katoliko ay tunay na mga born-again dahil sa pagsunod sa kwalipikasyon ng pagiging born-again! 2000 taon na po itong itinuturo magmula po sa mga Church Fathers hanggang sa kasalukuyan!

Masasabi po nating born-again/ born from above ang mga Katoliko dahil sa nasunod nito ang kwalipikasyon:

Juan 3:5(BSP)
...”walang makakapasok sa kaharian ng Diyos kung hindi isisilang muli sa tubig at Espiritu.”

Hindi po ba tumutukoy ito sa sakramentong binyag na natanggap natin mula sa Banal na Simbahan? Hindi po ba tumutukoy ito sa dalawang magkarugtong na sakramento ng binyag at kumpil?

Ngayon,panu po nating masasabi na sinungaling ang pastor na ito sa pagsasabing hindi raw tinuro ng mga taong-simbahan ang aral ukol sa pagiging born-again? Aba'y tunghayan na lang natin ang mga epistula ng ating mga  Church Fathers na lubos na ginagalang ngSimbahan.

St.Augustine, bishop of Hippo
“It is this spirit who makes it possible for an infant to be REGENERATED... when that infant is brought to baptism; and it is this through this one Spirit that the infant so presented is REBORN. For it is not written, “unless a man be born again by the will of his parents” or by“faith of those parenting him or ministering him”, but, “Unless a man be born again of water and the Holy Spirit.” The water, therefore, manifesting exteriorly the sacrament of grace, and the Spirit effecting interiorly the benefit of grace. Both REGENERATE in one Christ that man who has generated in Adam.”(Letters 98:2 [AD 408])

Polycarp,a disciple of the Apostle John
“Christ came to save all who through Him are BORN AGAIN UNTO GOD, infants anf children, boys and youths, and aged persons.”(Against Heresies 2, 22:4 [1st century AD])



St.Irenaeus
He [Jesus] came to save all through himself-all, I say, who through him are REBORN IN GOD; infants and children, youths,and old men. Therefore he passed through every age, becoming an infant for infants, sanctifying infants; a child for children, sanctifying those who are of the age... [so that] he might be the perfect teacher in all things, perfect not only in respect to the setting forth of truth, perfect also in respect to relative age. (Against Heresies 2:22:4 [A.D.189])
 
Kitang-kita naman ang petsa ng mga epistulang nasa taas na halos 1900 na taon ng nakalilipas! Ibig sabihin, mali ang sinabi ng pastor na hindi ito tinuro ng Simbahan sa nakaraang 2000 taon bagkus kahit sa simula pa, itinuturo na ng simbahan ang “REGENERATIVE WORKS, BORN AGAIN, BORN ABOVE” na syang makukuha lamang sa sakramento ng  binyag at kumpil!

Tinuro ng Simbahang Katolika ang pagiging born-again NOONG 33 AD PA LANG SA LINGGO NG PENTEKOSTES (book of Acts) AT NAGPATULOY HANGGANG 189 AD, 408 AD, AT HANGGANG SA KASALUKUYAN! MALING-MALI PO NA ISIPIN NA HINDI ITO TINURO KUNG TITINGNAN ANG KASAYSAYAN NG SIMBAHAN!

Napaghahalataan na po nating palpak ang ating bidang pastor pagdating sa kasaysayan dahil hindi nya isinaalang-alang ang mga tala sa kasaysayan ng Simbahan na magbabasura sa kanyang walang kwentang proposisyon! Darako naman tayo sa isa pang kapalpakan na maaaring maging pinakahuling topic na ating matatalakay:

[Tradition lang yung krus na symbol ni Christ pero hindi Nya inendorse kahit kailan] (p.102) 
Ang lakas naman ng loob ng pastor na ito para sabihing hindi ito inendorse ni Cristo. Kahit nga ang mga apostol ni Jesus, ito ang ginamit sa ebanghelisasyon  at sa pagtuturo ng mga basikong aral ukol kay Cristo. Hindi lang po ito simpleng tradisyon bagkus ay nakasulat din sa Kasulatan. Kakampihan pa kaya ang pastor na ito ng Biblia kung sasangguni tayo rito?

Ginamit po ang tanda/ tatak ng Krus maging sa Lumang Tipan:

St. Helen and the true cross of Christ with her
Ezekiel 9:4-6 (BSP)
Libutin mo ang Jerusalem at TATAKAN NG KRUS SA NOO ang mga nagdadalamhati at umiiyak dahil sa mga kasuklam-suklam na nagaganap doon...Huwag kayong magpakita ng habag. Patayin ninyo silang lahat-matatanda't kabataang lalaki, mga dalaga, mga bata at mga babae-NGUNIT HUWAG NINYONG LAPITAN (SAKTAN) ANG SINUMANG MAY TATAK NG KRUS SA NOO...”

DIYATA'T INILILIGTAS NG ATING DIOS ANG MAY TATAK NG KRUS SA NOO, ANO PO? Ibig sabihin,maging sa Unang Tipan pa lang, ginagamit na ng Dios ang Krus sa pagliligtas sa mga taong nasa Kanya, tama po ba? Malinaw naman pong hindi hinayaan ng Dios na masaktan ang mga taong may tatak ng krus sa noo!

Inutos ni Jesus na yakapin ang krus:

Marcos 8:34 (MBB)
...limutin niya ang ukol sa kanyang sarili,PASANIN ANG KANYANG KRUS at sumunod sa akin.”

Malinaw po na pinapahawak sa atin ng Dios ang krus sa pagsunod sa kanya, hindi po ba?Dapat po nating sundin ito dahil ito mismo ang sinabi ni Jesus!

Ginamit po ni San Pablo ang krus sa pagtuturo sa mga taga-Galasya:

Galasya 3:1 (BSP)
O tangang mga taga-Galasya! Sino ang kumulam sa inyo, NA SA INYONG MGA MATA'Y LANTARAN PA NAMANG ITINANGHAL SI JESUCRISTONG NAKAPAKO SA KRUS?

O,ibig sabihin po na ang KRUS PO AY GINAMIT NI SAN PABLO SA PAGLALANTAD SA KATOTOHANAN UKOL KAY JESUS! Lantaran po itong pinakita, papaano po kaya nya ito pinakita gayong sa panahon na iyon ay wala pang Biblia na lumalabas?

Ineendorso po ni San Pablo ang krus na dapat itong ipagmalaki:

Galasya 6:14 (MBB)
“ANG KRUS lamang ng ating PanginoongJesu-Cristo ANG SIYA KONG IPINAGMAMAPURI.” 
Sinabi ni San Pablo na para sa mga tanga, ang krus ay walang kwenta:

1 Corinto 1:18 (BSP)
“KATANGAHAN TALAGA ANG SALITA NG KRUS PARA SA MGA NAPAPAHAMAK, subalit kapangyarihan ito ng Diyos para sa ating mga naligtas.”

Para sa mga nailigtas pala, ANG KRUS PO AY KAPANGYARIHAN NG DIOS. PARA SA TANGA NAMAN, ITO AY WALANG KWENTA. TANGA PO KAYA ANG PASTOR NA NAGSABI NITO? KAYO NA PO ANG HUMUSGA!

MAG-INGAT PO TAYO SA MGA TAONG KAAWAY NG KRUS TULAD NG PASTOR NA ITO:
FILIPOS 3:18
Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 5



Medyo naging mahaba na ang naging talakayan natin sa aklat ng kapalpakan ng mga bornagain na sumasagot daw sa mga “doctrinal issue” sa Kristyanidad ngunit sa totoo ay pulos kapalpakan naman ang hatid. Eto naman ang karugtong sa napakarami pang kapalpakan na maaari nating makita kapag babasahin ang aklat.

“Kung relihion ang pinag-uusapan, lalo kung Christianity, it should be based on the Bible”(p.34, ISANG TANONG ISANG SAGOT)

Nakatatatawa naman kung tutuusin ang mga nailahad na nating kapalpakan ng mga pinagsasabi ng ating butihing pastor, hindi po ba? Marami na po kasi ang napatunayang kahinaan at kamalian ng kanyang doktrina ng kaligtasan gayong ayon sa kanya, ang tunay na relihion daw ay nababatay sa Biblia.

Una sa lahat, bago po kayo maguluhan kung ano ang totoo, dapat po nating malaman na ANG TUNAY NA RELIHIONG SA DIOS AY HINDI RELIHION NG “BIBLIA LAMANG” KUNDI ISANG RELIHIONG AAYON SA APOSTOLIKONG TRADISYON AT SA PASULAT NA TRADISYON NA NAGMULA PA NOONG 33 AD.

Ang biblia po ay hindi  nag-iisang batayan ng pananampalataya dahil isa lamang ito sa mga batayang pwedeng mapagkunan sa pormulasyon ng dogma at doktrina ng simbahan. Dahil kung ito po ang pagbabatayan ng lahat, papaano po ang mga Kristyanong hindi po nakahawak ng biblia ngi hindi marunong bumasa para mapag-aralan ang mga aral na matatagpuan dito? Papaano po ang mga taong nasa panahon kung saan hindi pa nakukumpleto ang mga aklat sa Bagong Tipan kung saan tinatayang 300 taon muna ang lumipas pagkatapos mamatay ni Cristo? Papaano po ang mga nasa panahon kung saan hindi pa naiimbento ang imprenta? Hindi ba't ang mga sinaunang Cristiano ay nakasunod naman sa aral ni Cristo kahit wala ang biblia dahil sa nakaukit na sa kanilang puso ang tunay na aral ni Cristo?

 2 Tesalonica 2:15(MBB)
Kaya nga, mga kapatid manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging SA SALITA O SA SULAT.

Ang malinaw na kahulugan nito ay ang hindi mapapasubaliang “oral tradition” na maaaring magpasalin-salin sa bawat henerasyon ng mga butihing Cristiano. Hindi ito kaylanman mapapasubalian dahil mismong kasaysayan ng Kristyanidad ang nagpapatunay nito:

Job 8:8(ADB)
“Sapagkat ikaw ay magsiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang. 
At ang sinasabi ng ating mga ninuno sa pananampalataya ay ganito:

“Christ's sayings and actions WERE PRESERVED BY THE WORD OF MOUTH.”(p.164, Western Civilization, A ConciseHistoy. Perry, Marvin et.al-1981)

Ayon na rin mismo sa isang reference book, ang mga tao noon ay nagkasya na lamang sa pakikinig sa buhay ni Cristo at ng mga santo sa pamamagitan ng oral tradition o samakatwid ay ang mga istoryang nagpasa-pasa sa bawat henerasyon na hindi binago ni hindi dinagdagan! Ang totoo nga'y, maraming Cristiano ang gumamit ng mga imahe upang ipakita ang naging buhay ng mga apostol at maging ni Cristo at mapapatunayan ito sa mga sinaunang catacombs na nahukay sa ilalim ng Pransya,Roma, at ibang lugar sa Imperyo Romano na tadtad ng mga relihiosong imahe at ng mga palatandaang gumamit sila ng tadisyon para mapreserba ang aral ni Cristo sa tulong na rin ng Simbahang Katolika, ang syang tunay na simbahan.

“The first generation of Christians preserved memories of Jesus Christ's teachings, deeeds, and crucifixation LARGELY BY THEWORD OF MOUTH.” (p.284. World Book- vol 2., 2008)

Ayon na rin sa isang kilalang teologo;

“Revelation contained holy Scripture- written word and Sacred Tradition... both Scripture and Tradition makeup a single,inseparable source, transmitted and interpreted infallibly by the Church.”(p.13, Christian Philosophy. Dela Torre,Joseph)
Darako naman tayo dito: 

[Sa aming church, hindi mandatory ang membership] (p.75)

Wow,kaya naman pala inutusan ni Cristo na pumasok sa kanya ang sinumang nanalig sa kanya, hindi po ba? Diyata't nagkakamali po ata ang mokong na pastor na ito?

Juan 10:9
“Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sapamamagitan ko'y maliligtas.”

Papaano magiging Kristyano ang isang tao kung hindi mandatoryo ang pagkakaanib nito?Papaano pa tatawaging Cristianong maliligtas ito kung hindi sya kabilang sa katawan ni Cristo? Papaano nya masasabing mahal nya si Cristo kung ayaw nya ang katawan nito? Aba'y hindi naman po tama iyon, ano po?

[Baptism is not a requirement to be saved](p.77)

mukhang nagmamalabis na po ang kakenkuyan ng ating bida! Akalain mong lapastanganin pa ang tunay na doktrina ng kaligtasan! Hindi po ba ang bautismo ang unang hakbang para maging Cristiano at para makapasok sa kaharian ng Dios sa lupa maging sa langit?

Marcos 16:16
“Ang sumasampalataya AT MABAUTISMUHAN AY MALILIGTAS.”

Napakalinaw naman po ata ng pang-ugnay na “at” para sabihing magkasama ang dalawa para sa paunang hakbang sa pagiging alagad ni Cristo. Diyata't hindi po alam ng mga born-again na ito ang gramatiko? Sa katunayan, utos pa nga ni Cristo ang bautismuhan ang mga tao e.

Mateo 28:19
Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.”

Kung tunay po na hindi requirement ang pagbabautismo/pagbibinyag, ibig sabihin hindi ito mandatoryo, at kung hindi po ito mandatoryo, ano pa po bang saysay ng pagbanggit dito ni Cristo? Wala ba o meron? Iwawalang kabuluhan na lamang ba natin ang sakramentong binyag na syang unang sangkap sa kaligtasan matapos ang redemptive works ni Cristo?

Juan 3:5 (MBB)
 “Sinsabi ko sa inyo”, ani Jesus, maliban ang tao'y IPINANGANAK SA TUBIG AT SA ERPIRITU, HINDI SYA PAGHAHARIAN NG DIYOS.”“ 
Malinaw pa po sa mineral water na hindi po tayo makapapasok sa kaharian ng Dios hangga't hindi po tayo naipapanganak mula sa kataasan sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.

[alam nyo, na kay tanda- tanda na ni Jesus nung nagpabinyag. So ibig sabihin, hindi dapat binyagan ang bata] (p.106)

Wala po ata akong natatandaang utos ni Cristo na “wag binyagan ang mga bata”.Mukhang kinakawawa naman po ata nila ang mga batang nananabik na sa gatas espiritwal!!

1 Pedro 2:2 (MBB)
“Gaya ng SANGGOL, KAYO'Y MANABIK SA GATAS ESPIRITWAL...”

 Hindi po ba, ayon mismo kay San Pedro na para rin sa bata ang pangakong ito ng Dios?

Gawa 2:39 (MBB)
Sapagkat ang PANGAKO'Y PARA SA INYO AT SA INYONG MGA ANAK...”

Bakit po ba na kailangang pigilan pa ang mga bata gayong ayon mismo kay san Pablo,kapalit din ito ng pagtutuli na sya namang ginagawa ng mga Judio sa mga sanggol?

Colosas 2:11-12
..”ito ang pagtutuling mula kay Cristo. Nang kayo'y bautismuhan, nailibing kayong kasama ni Cristo.”

 Ang mahiwagang tanong po, bakit po nais ipagpareho ni San Pablo ang binyag sa pagtutuli gayong ang PAGTULI AY GINAGAWA RIN SA MGA WALONG ARAW NA SANGGOL? Nagkakamali lamang po ba si San Pablo o sadyang pinahihintulutan lang po talaga na mabinyagan ang mga sanggol? Ang tunay na paliwanag po ay ganito:

Sa unang tipan ng mga Judio, ang pagtutuli ay ginagawa sa mga sanggol na kabilang sa sambahayang naniniwala sa Dios ni Abraham NGUNIT SA PAGDATING NG BAGONG TIPAN, ANG MGA SANGGOL NA KABILANG SA SAMBAHAYANG CRISTIANO AY BINIBINYAGAN.

Ngayon,tanungin naman natin ang kasaysayan ng mga sinaunang Cristiano ayon sa  epistulang sinulat mismo ng ating mga Ama sa Kristyanismo:

Irenaeus 
“He [Jesus] came to save all through himself- all, I say, who through him are reborn in God; INFANTS AND CHILDREN,youths, and old men. Therefore he passed through every age, becoming an infant for infants, SANCTIFYING INFANTS; a child for children, sanctifying those who are of the age... [so that] he might be the perfect teacher in all things, perfect not only in respect to the setting forth of truth, perfect also in respect to relative age. (Against Heresies 2:22:4 [A.D.189])

Hippolytus
 
“...Baptize first the children, and if they can speak for themselves let them do so. Otherwise, let their parents or other relatives speak to them.”(TheApostolic Tradition 21:16 [AD 215]) 
Origen 
“The Church received from the apostles THE TRADITION OF GIVING BAPTISM EVEN TO INFANTS.” (Commentaries to Romans 5:9[AD 248])

Ilan lamang iyan sa mga epistula ng mga sinaunang ama ng Kristyanidad na nagsasabing pinapahintulutan na ang pagbibinyag sa mga bata bago pa man isilang ang pastor na mokong na ito o bago pa man itatag ang Day by Day ministries! Sino ba ang dapat paniwalaan? Ang mga taong naging apostol mismo ni Cristo sa pamamagitan ng apostolikong tradisyon o ang pastor na nakabasa lang at nagtatag ng sarili nyang kakenkuyan?

Ngayon,ipapaliwanag naman natin ang dahilan kung bakit matanda na si Jesus nung sya'y binyagan at hindi nung sanggol pa sya!

Simple lang naman po kasi ang kasagutan sa napakahiwagang tanong na ito. Iyon ay sapagkat hinintay ding tumanda ang magbibinyag kay Jesus. Bakit naman po natin nasabi? Iyon po ay dahil sa kakaunti lang naman ang pagitan ng edad ni Jesus kay Juan Bautista!

Lucas 1:26-27
Nang ikaanim na buwan ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay isinugo ng Dios sa Nazaret, Galilea sa isang dalaga na ang pangala'y Maria.”

ibig sabihin, 6 months old na sa sinapupunan ni Elisabet si Juan nang iulat ni anghel Gabriel ang pagdadalantao ni Maria kay Jesus. Nakatitiyak tayong hindi nalalayo ang edad ng dalawa dahil pareho silang nasa tiyan pa lang nang puntahan ni Maria si Elisabet! (Basahin po ang Lucas 1:42-44)

Nakatitiyak po tayo na nasa pagitan lang ng anim na buwan ang tanda ni San Juan Bautista sa pagiging tao ni Jesus! Ngayon, ano po kaya ang kalalabasan kung bibinyagan ng bata ang kanyang kapwa bata??

ANO PO KAYA ANG MAGIGING REAKSYON NG MGA TAO KUNG BIBINYAGAN NG 6 MONTHS OLD NA BABY ANG BAGONG SILANG NA SANGGOL? HINDI PO BA MAGMUMUKHANG KATAWA-TAWA AT LARO ANG GAGAWIN NILA?? Seryoso po ang usaping binyag na naipangako rin maging sa mga musmos na bata. Pwede pong binyagan ang bata pero bawal magbinyag ang mismong bata na walang kapahintulutan ni hindi pa nakapagsasalita!

ITUTULOY...

Saturday, August 17, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 4

Narito na naman tayo sa isa pang bahagi ng ating pagsiwalat sa kapalpakan at kamalian ng mga doktrinang pang-kaligtasan ng mga born-again. Naitalakay na natin ang mga ilang kapalpakan sa OSAS,ang isyu ng tunay na bilang ng aklat sa Biblia at marami pang ibang mga paksa. Ngayon naman, maaari nating maisama ang mga nakaraang topics bagaman may ilang pagdiriin o empasis sa mga kapalpakan ng  ating bida. Halina't simulan natin:

Hindi religion ang mahalaga kundi ang personal na relasyon mo kay Hesus..”(ISANG TANONG ISANG SAGOT- Ptr. Lapiz, Ed) 
Una sa lahat, ano ba talaga ang depinisyon ng “RELIHION”?

Ayon sa ating mga elektronik na mapagkukunan:

“However, popular etymology among the later ancients (and many modern writes) connects it with “RELIGARE” “to bind fast”via notion of “place an obligation”, or “bond between humans and gods.” (source:htttp://www.etymonline.com/index.php?term=religion)

Ayon mismo sa mga eksperto pagdating sa etimolohiya, ang salitang “religion” ay nanggaling sa Latin term na “RELIGARE” na nangangahulugang “to bind again our relationship with God”. Ibig sabihin, ANG RELIHION MISMO ANG SYANG RELASYON SA DIOS. “religion is the relationship itself!”

Re+ Ligare= again+ to bind= TO BIND AGAIN

Naging napakakenkoy lamang ang mga hunghang na born-again pagdating sa tunay na depinisyon ng relihion dahil sa naloko sila sa mga ilang verses na pinapakita sa kanila ng mga “do it yourself- religion” pastors. Ibig sabihin, nawawala na ang tunay na aral ni Cristo na ibigin ang kanyang iglesya gaya ng pag-ibig Nya rito. Isa pa sigurong naging dahilan ay ang paglitawan ng mga sektang Protestanteng nanliligaw ng landas nang marami kaya naman naging “skeptics”sila pagdating dito. Dahil sa naging “skeptic” sila, nagkaroon sila ng konklusyon na “Walang relihion ang makapagliligtas” sa tao at dahil na rin sa 38,000 sekta na naglitawan, maraming tao ang naguluhan kung saan sa mga ito matatagpuan ang katotohanan!

Ngayon,Biblikal ba ang sinasabi ng ating bida?

Hindi!Bakit?

Kung titingnan natin ang salin ng Mabuting Balita na copyright ng PBS:

1Timoteo 3:16(MBB)
NAPAKAHIWAGA NG MGA KATOTOHAN NG ATING RELIHION:“Siya'y nahayag nang maging tao,At pinatotohanan ng Espiritu,Nakita ng mga anghel.Ipinangaral sa sanlibutan,Pinaniwalaan ng lahat,At sa langit ay tinanggap.”

Ibig sabihin, ANG KATOTOHANAN AY NASA RELIHION dahil ayon mismo sa sitas,“napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihion.”

ano nga ba ang katotohanan kung titingnan natin ang Biblia? Hindi ba't nagpakilala rin si Jesus bilang “Katotohanan”?

Juan14:6 (MBB)
sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ANG KATOTOHANAN, at ang buhay...”

Ibig sabihin, si Jesus, ang kanyang katotohanan ay ipangangaral lamang ng nag-iisang relihion (sapagkat “singular subject” ang tinutukoy na relihion sa sitas).Tunay nga na ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa nag-iisang relihion!

Kung mapapansin natin sa mga born-again, palagi nilang sinasabi na wala silang kinabibilangan na sekta dahil SILA UMANO AY MGA NON-DENOMINATIONAL DENOMINATION O NON-SECTARIAN MOVEMENTS! Kung titingnan natin ang Biblia, walang sinabi na ang mga Cristiano ay walang kinaaanibang sekta/relihion ngi ang kasaysayan ay walang binabanggit ukol dito!

Tingnan nga natin kung non-sectarian ang mga Cristiano ayon sa mga aklat ng reperensya:

CHRISTIANITY AROSE AS A SECT of Judaism inthe first century A.D when Roman empire was its peak.” (source: p.273 “TheReligions of the World”. Hoppe, Lewis M.)

Napakalinaw sa aklat-kasaysayan na ang Kristyanidad ay nagsimula bilang sektang nanggaling sa relihiong Judaismo sapagkat ang mga naunang apostol at ang pinaniniwalaang Mesiyas ng mga Cristiano ay pawang mga Judio.

“As a tradition, Christianity is more than A SYSTEM OF RELIGIOUS BELIEF.”(source: p.251, Britannica Encyclopedia.Vol.16- 2007)

Nangangahulugan lamang na ang Kristyanidad ay isang sistemang panrelihion at hindi isang non-sectarian system na tinutukoy ng mga born-again! Kaagad nilalabag ng mga lapastangang born-again na ito ang tradisyong patuloy na sinusunod ng mga tunay na Kristyano simula pa noong 33 AD. Tahasan nilang tinatanggi ang esensya ng tunay na relihion na tinatag ni Jesus sa pamamagitan ni San Pedro bilang unang Santo Papa (Mateo 16:18-19)!

Gawa24:5
“Natuklasan namin na ang taong ito'y(SANPABLO) nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya'y ISANG PASIMUNO NG SEKTA NG MGA NAZARENO.”

Ayon mismo sa tala ni San Lukas sa aklat ng Gawa, si San Pablo ay syang pasimuno ng sekta ng Nazareno na samakatwid ay syang relihion ng mga Cristiano. Hindi ito itinanggi ni San Pablo dahil totoo namang kabilang sya sa sektang naniniwala sa Nazareno na sya ring si Jesus! Ngayon, bakit ang mga born-again na ito ay tinatanggi ang esensya ng pakikibaka ni San Pablo para sa tunay na sekta???isasawalang kabuluhan na lamang ba nila ang pagkamartir ni San Pablo alang-alang sa pagtatanggol sa sekta/ relihiong ito?


Gawa 24:14
“tinatanggap ko po na ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na ipinapalagay nilang maling“SEKTA””. 
Napakalinaw mga kapatid, ano po? Inamin ni San Pablo ang pagkakabilang nya sa sekta na pinapalagay naman ng iba na mali! Malinaw na kasing-ugali ng mga hunghang na born-again ang mga Judiong umusig kay San Pablo! Sila ay taksil sa tunay na aral!


Darako naman tayo dun sa isa pang pitfall doctrine ng mga born-again:

“Ang salvation after rapture is by works, sohe who remains faithful to the end will be saved. Hindi nakaka-apply sa atinyung verse na yun, sa tribulation saints yun” (p.26,ISANG TANONG ISANG SAGOT)

Saan naman kaya mababasa na para sa tribulation saints ang “works”? Hindi ba't utos ni  San Jaime na gumawa kalakip ng ating pananampalataya!

Santiago2:26
“Patay ang katawang hiwalay sa espiritu;gayon din naman, PATAY ANG PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA GAWA.”

Kitam?Patay ang pananampalatayang hiwalay sa gawa gayon din naman, walang kwenta ang pagsamba kung hindi sumusunod sa utos! Isa pa, bakit sinasabing “by works only”ang salvation sa rapture at hindi na raw kailangan ng faith sa panahon na yaon??

Filipos3:14
“Nagpapatuloy nga ako sa hangganan upang kamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Dios sa pamamagitan ni CristoJesus, ang buhay na hahantong sa langit.”

malinaw na nakalagay ang “nagpapatuloy” na nangangahulugan lamang na hanggang wakas,kailangan na maituloy natin ang sinimulang pananampalatayang pinapatunayan ng gawa. Ang dalawang ito ay tunay na magkasama bilang sangkap ng kaligtasan! Ang pananampalataya ay dapat magpatuloy maging sa tibulation!

1 Corinto 13:13(MBB)

“Ang tatlong ito'y NANANATILI: ANG PANANAMPALATAYA, pag-asa at pag-ibig...”

o,nananatili pala e! Pero bakit winawala nila ang faith sa tribulation gayong kailangan itong manatili!
 Idinugtong pa sa nasabing pahina ng palpak na aklat ang ganito:

“Hindi naka-apply sa atin 'yung verse na 'yun; sa tribulation saints”

ang tinutukoy na verse sa sinabi ay ang Mateo 24:13 na nagsasabing:

“Ngunit ang nananatili hanggang wakas ay syang maliligtas.”

Hindi raw applicable ang nasabing sitas dahil para raw lamang iyon sa pagdating ng panahon ng pagdalamhati o tribulation. Totoo ba ito? Hindi po mga kapatid!Bakit? Dahil nangyayari na po ang mga nasabing hula bago banggitin ang nasabing sitas sa Mt. 24:13! ano ba ang sinasabi bago iyon?

Mateo24:9
Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw nila ang marami.”

ilan na po ba ang mga naglitawang bulaang pastor/propeta sa kasalukuyan? Nangyayarina po iyon, hindi po ba? Tiyak po ako na nangyayari na iyon dahil sa nagsilitawan ang marami sa kanila sa bilang na 38,000 sa buong daigdig!

Ipagpalagay nating tama ang kakenkuyan na ito, nakapaloob ba ito sa ebanghelyo ni Jesus?Hindi po!

Mateo 22:36;
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.”

Sa palagay nyo ba, ang pag-ibig ay maipapakita sa laway ng ating bunganga?Maipapakita lamang ba ito sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi po!

1 Juan 3:18
“Ipakita natin ANG TUNAY NA PAG-IBIG SA PAMAMAGITAN NG GAWA.”

ang SINUMANG NAGSASABING “MAHAL KO ANG DIOS” AY DAPAT IPAKITA ITO SA PAMAMAGITAN NG GAWA, hindi po ba?

Abangan ang susunod na kabanata

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 3



Nuong mga nakaraang artikulo, nagkaroon tayo ng paghimay sa mga nabalangkas na maling doktrina ng ating butihing bida mula sa Day by Day ministries na si Pastor kuno Ed Lapiz. Ngayon naman, titingnan pa natin ang ilan pa nyang pitfalls kung saan hayagan nating ipapakita ang mga kapalpakan ng ating bida. Halina't himayin natin ang mga kakenkuyan na ito:

naalala nyo ba ang dalawang nakapako sa magkabila ni Kristo at kung paano niya nailigtas ang       isa?... marami kasing nagsabi na para masave, kailangan ikaw ay banal. Sa tingin nyo ba banal ang lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, today you will be with me in paradise. Pumunta ba sya sa paraiso? Siempre. Banal ba sya?Hindi. So hindi totoo na dapat maging banal para ma-save.
(mula sa: p.17, ISANG TANONG ISANG SAGOT)

So ano pala dapat? “believing lang ba at ang sinasabing“relationship”? Kaaligagaan ang sinasabi nito!Malinaw kasing karugtong ito ng doktrinang Once Saved always Saved na sya nang nagsilbing  marketing strategy ng mga bulaang pastor sa kasalukuyan.  Alalahanin natin ang sinabini San Pedro na nakabatay din sa Kasulatan:

1 Pedro 4:18
Kung ang matuwid ay halos hindi maligtas,ano kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanan at di kumikilala sa Diyos?”

e kung matuwid at banal pa nga ay halos hindi maligtas, ano pa kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanang tao sa mundo? Vital o mahalaga talaga ang pagpapakabanal bilang sangkap sa kaligtasang tinamo na natin mula sa redemptive works ni Cristo!

Roma 6:19;
...”ngayon nama'y ihandog ninyo ang inyong sarili sa katuwiran AT SA IKAPAGIGING-BANAL NINYO.”

Sa sinabi mismo ni san Pablo, malinaw na malinaw nating masasabi na ang Pastor kuno na tampok sa ating usapan ay syang suwail sa tunay na aral ng ating mga apostol at maging ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Balikan pa natin ang sinabi ni San Pablo;

Filipos 2:12 (MBB);
may takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan.”

o kitam? Kailangan ng maingat na paggawa upang malubos ang kaligtasan at hindi 'yung simpleng pinagsasabi sa aklat. Idugtong natin ang nasa bersikulo 14 at 15;

Filipos 2:14-15 (MBB);
Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang kayo'y maging ulirang mga anak ng Dios, malinis at walang kapintasan.

Para lalong maipakita natin ang kahunghangan ng doktrinang ito, basahin natin ang epistulo ni San Pedro;

1 Pedro 3:16 (BSP)
Nasusulat: “MAGINGBANAL KAYO sapagkat ako'y banal.”

Isipin na lang natin, kung hindi mahalaga ang pagpapakabanal,bakit pa tayo pinaalalahanan na maging banal? Isasawalang katuturan na lang ba natin ang utos na ito ni San Pedro dahil lamang sa utos ng hindi kilalang pastor na ito? Naturalenteng hindi dapat dahil ayon na mismo kay Jesus:

Lukas 10:16 (BSP)
AKO ANG DINIDINIG NG NAKIKINIG SA INYO at ako ang tinatanggihan ng tumatanggi sa inyo.”

Nangangahulugan lamang na dapat nating sundin ang utos na“magpakabanal” ni San Pedro alang-alang na rin kay Jesus na nagsasabing “ang pagsunod sa mga apostol ay pagsunod din sa Kanya.”

ngayon, papaano naman naligtas ang isang magnanakaw nakasabay na naipako sa krus? Simple lang naman ang kasagutan sa tanong na ito!Bagaman ang taong ito ay tunay na makasalanan at hindi matatawag na banal, ang TAONG ITO AY HINDI MASASABING CRISTIANO NI HINDI RIN MASASABING ISANG TAGASUNOD NI CRISTO! Bakit? Dahil sa panahong nakapako si Jesus sa krus kasabay ng dalawang magnanakaw, HINDI PA GANAP NA NAITATAG ANG SIMBAHAN/IGLESYA na syang  magiging sangkap sa kaligtasan ng tao sa mundo!

Kaylan lang ba ganap na naitatag ang sinasabing kaharian ng Dios sa lupa, ang iglesia? Ito ay naitatag lamang sa panahong umakyat na si Jesu-Cristo sa langit nuong Linggo ng Pentekostes kung saan unang naipagkaloob ang Espiritu-Santo sa mga unang taga-sunod!

So ano ang dahilan kung bakit ito naligtas?

1 Corinto 5:12-13 (MBB)
Sapagkat ANO ANG PAKIALAM KONG HUMATOL SA LABAS? Hindi ba't ang mga nasa loob ang dapat ninyonghatulan? Hahatulan ng Diyos ang mga nasa labas, pero itiwalag ninyo ang baluktot na tao.”

Nangangahulugan lamang na wala tayong pakialam sa mga taong nasa labas ukol sa paghatol sa kanila, bagkus ANG DIOS ANG BAHALA SA KANILA KUNG PAPAANONG HAHATULAN SILA NG DIOS. Subalit sa ganyang pagkakataon, lubhang  magiging mahirap sa kanila ang kaligtasan ngunit napakapalad ng magnanakaw na makaharap nya mismo ang Panginoon. Sa pagkakataong yaon, ANG DIOS ANG HUMATOL SA KANYA at ang naging hatol sa kanya ay ang pagsama nya sa paraiso. Anu pa bang magagawa natin kung iyon ang hatol sa kanya? Sa kabutihang palad,NASUSULAT SA ATING DOKTRINA ANG GANYANG ARAL.

We do not believe, of course, that all non-Catholics go to hell, any more than we believe that just calling oneself a Catholic will get one to heaven. The dictum that “Outside theChurch, there is no salvation,” means no salvation for those who are outside the Church through their own fault. One who has been a Catholic and who deliberately abandons the Church cannot be saved unless he returns... THOSE,HOWEVER, WHO ARE OUTSIDE THE CHURCH THROUGH NO FAULT OF THEIR OWN, AND WHO DO THE BEST THEY CAN ACCORDING TO WHAT THEY KNOW, MAKING GOOD USE OF THE GRACES THAT GOD SURELY WILL GIVE THEM IN THE VIEW OF THEIR GOOD WILL- THEY CAN BESAVED.” (p.175, The Faith Explained- 3rd edition. Fr. Trese, Leo J.) 
nangangahulugan lamang na maaaring maligtas ang sinuman na hindi naman nakakaalam sa pananampalatayang Catolico sa loob ng iglesya subalit mayroong mabuting-kalooban na nababatay sa pinagkaloob sa kanila ng Poong Maykapal. Ano bang malay ng magnanakaw sa tinuturo ni Cristo na “magpakabanal”?Ano bang alam nya sa katuruan ng pagbibinyag, pagkukumpil at pagsunod sa utos ni Cristo? Wala, dahil sa panahong nakapako sya, wala syang magagawa ni walang alam sa iglesyang itatatag lamang ng lubusan sa ika-50 araw matapos mabuhay mag-uli si Cristo, sa araw ng Pentekostes!

Ito pa ang matindi sa sinasabi ng ating bidang pastor:

[kung nasave 'yon,DAPAT NAGING BORN AGAIN 'YON]

Nais ipakahulugan ng pastor na ang magnanakaw ay isang BornAgain dahil sa implikasyong nasave sya. Kumbaga ang formula nila sa pagiging born-again ay ganito:
“Accept
Believe
Commit”

ang mahiwagang tanong, nasaan naman ang commitment o ang patunay na naging born again ang magnanakaw kung pagkatapos pa lang ng “accept”ay patay na sya?? papaano pa sya magiging isang bagong nilalang kung hindi nya maipapakita ang pagbabago sa kanya?

Nagpapatunay lamang na kenkoy itong doktrina ng pastor kuno na bida sa ating atrikulo!

1 Juan 3:9 (AB)
“ang sinumang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala...”

papaano nya maipapakita ang pagbabagong katangian nya kung pagkatapos nyang matanggap si Cristo ay patay na sya? Edi hindi nya nasunod ang“commitment stage” na sinasabi ng ating butihing pastor!

E bakit kaya nya nasabing born-again itong magnanakaw? Nasunod nga ba nya lahat ng qualifications?

Juan 3:3(BSP)
Sumagot si Jesus sakanya: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ngDiyos kung HINDI SYA ISISILANG MULI MULA SA TAAS. (note: Bible scholars admitted that the correct translation for born-again is BORN FROM ABOVE)

E ngayon, anu bang ginagawa sa mga born-again daw?

Edi dugtungan natin:

Juan 3:5 (BSP)
“...walang makakapasok sa kaharian ng Diyos KUNG HINDI ISISILANG MULA SA TUBIG AT ESPIRITU.”

hindi na kailangang pag-isipan pa na ang tinutukoy dito ay ANG MAHALAGANG SAKRAMENTO NG BINYAG NA PINAG-PAUNA NA NI JESUS NA MANGYAYARI PAGKATAPOS NYANG MAIBIGAY ANG LUBOS NA KAPANGYARIHAN SA MGA APOSTOL!

Ang mahiwagang tanong, NABINYAGAN BA ANG MAGNANAKAW PARA SABIHING “BORN-AGAIN” SYA?? HINDI NAMAN diba? Ibig sabihin, ang magnanakaw na nakasama sa paraiso AY HINDI ISANG BORN-again!



 ITUTULOY...

ISANG TANONG, MALING SAGOT NG MGA Born Again part 2 (PAGSUSURI SA MGA KAMALIAN ng AKLAT NA “ISANG TANONG ISANG SAGOT NI ED LAPIZ

Naitalakay sa part 1 ang mga katuwa-tuwang doktrina na ipinapalaganap ng ating butihin (daw) na pastor na si Ed Lapiz. Mula sa part 1, napatunayan natin na hindi marunong sa sipnayan ang ating bida na syang may-akda ng ISANG TANONG ISANG SAGOT. Napatunayan natin na marami sa mga born again ay walang muwang sa mga pangyayaring kasaysayan dahil sa lubha nilang pagpokus sa Biblia na kanilang inuunawa sa pamamagitan lamang ng kanilang sarili. Sa kanilang kamalian mula sa PERSONAL INTERPRETATION na ginagawa, nagkabale-balentong tuloy ang lohika ng kanilang doktrina ukol sa KALIGTASAN kaya naman sa buong mundo, binubuo sila ng mga 38,000 sekta o non-sectarian na organisasyon na kung saan, sila-sila rin ang naglalaban dahil sa kanilang pansariling interes at pansariling interpretasyon sa Banal na Kasulatan.
Para sa ikalawang bahagi ng aking pagpupuna sa aklat, isa sa mga naging kapansin-pansin na mali na aking nakita sa kanyang katawa-tawang aklat ay nang masabi nya ito:

Pero kung ang isang tao ay tumanggap na kay Kristo, ligtas na sya at wala nang bawian ‘yon.”Source: p.14, ISANG TANONG ISANG SAGOT
 Weh? Parang hindi naman! Kaya naman pala muntikan nang masila ang Iglesya sa Galacia at sinabihan ni San Pablo ng matindi (Galacia 3:3). Take note, mga believers na ang mga taga- Galacia at sila’y mga Kristyano na pero muntik-muntikan nang maligaw.

Galacia 3:3 (ADB)Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?

 Isa sa mga dahilan kung bakit TOTOONG MALI ang mga sekta Protestante ngayon kasama ang mga born again ay ang paniniwala na ONCE SAVED ALWAYS SAVED na produkto rin ng 500 taong Sola Fide na ipinalaganap ni Martin Luther. Tama baga ito? Hindi, dahil ayon mismo kay San Pablo, maaaring mapahamak at maligaw ang mga Kristyano lalo na kung magpapalapa sila sa mga hunghang na bulaang propeta.

Gawa 20:29-30(ADB)Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.  

Nagbabala rin si Apostol San Pablo na kapag magpapatuloy tayo sa ating mga kasalanan, hindi na natin mahihintay pa ang lubos na Kaligtasan sa hinaharap kundi;

Hebreo 10:26-27(ADB)Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway

 Kung ating iisa-isahin ang usaping ito, mapapahaba masyado ang artikulong ito pero dapat tandaan na ang tunay na utos ni Cristo ay ganito;

Juan 8:31(ADB)Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;  

 Ngayon para lubos nating maunawaan ang tunay na doktrina na Kaligtasan kung saan nagpapahayag na kailangang gumawa ka ng may panginginig(Filipos 2:12)mangyaring pakitingnan ang mga artikulo ukol dito tulad ng: (http://bulwarkoftruth.blogspot.com/2012/09/hindi-biblikal-ang-doktrinang-sola-fide.html)

 Isa pang nakatutuwang sinabi ng ating tampok na pastor ay ito:


So kapag ang pangalan mo ay naisulat na sa Book of Life, permanente na iyon at wala nang burahan.(Mula sa: Ibid,p,14)

 Anung walang burahan? Papanu kaya nasabi nya iyon gayong wala naman sa Biblia ang ganitong katuruan. Ano ba sa palagay nya ang langit, walang pambura? Hala kung babasahin natin ang sinasabi sa Revelations, ganito ang mababasa;
Revelations 22:19 And if any man shall take away from the words of the book of this prophecy, God shall take away his part out of the book of life, and out of the holy city, and from the things which are written in this book.

babala: mag-ingat sa ganitong doktrina
 Marunong naman ata tayo sa pag-unawa sa Ingles kaya malinaw na matatanggal ang SINUMAN SA BOOK OF LIFE KUNG BABAWASAN NYA ANG Kasulatan. Teka, parang mairerelate natin ito sa part 1 ha? Hindi ba’t BAWAS DIN ANG BIBLIA NG MGA BORN AGAIN AT NG MGA PROTESTANTE BUNSOD SA PAGSUNOD KAY MARTIN LUTHER? Matatanggal kaya sila sa book of Life? Napakahirap magbigay nang konklusyon ukol dyan pero NAPAKALINAW NAMAN NA NAPATUNAYANG KATATAWANAN NA NAMAN ANG KATURUAN NG MGA MODERNONG CRISTIANONG KUNO SA KASALUKUYAN(born again kuno na naman).

(ipagpapatuloy)

ISANG TANONG, MALING SAGOT NG MGA Born Again part 1 (PAGSUSURI SA MGA KAMALIAN ng AKLAT NA “ISANG TANONG ISANG SAGOT NI ED LAPIZ

Palagi akong natatawa sa mga taong nasa labas ng Iglesia catolica dahil sa kanilang pagpapakita ng kamangmangan. Isa sa mga pinakanakatatawa ay  nang mabasa ko ang ipinagmamalaking aklat-pananampalataya ng mga born again na pinamagatang “Isang Tanong Isang Sagot”. Akda ito ng isang pastor na nagngangalang Ed Lapiz na iniidolo ng mga born again Christians (daw). Dahil sa lubha akong nahiwagaan sa libro, nanghiram ako sa isa kong kaybigan na bagaman hindi born again ay may ganoong aklat. Ngunit, animo’y naging komdeya ito para sa akin dahil sa mga heretic doctrines na itinuturo ng may-akda at ang mga mahihinang akusasyon nito laban sa  Santa Iglesia. sa pagkakataong ito, nais kong ibahagi ang mga kapuna-puna sa nasabing aklat nang sa ganon ay hindi maloko ang mga tao.

Unang kapuna-puna sa aklat ay nang masabi ito ni Ed lapiz:

“The bible is composed of 66 books, written by 44 different authors in a span of 2,600 years.” mula sa : p.3, ISANG TANONG ISANG SAGOT,Ed Lapiz

ang heretikong aklat ni Ptr. Ed Lapiz
Historically, Bible is composed of 73 books. Si MARTIN LUTHER ang dahilan kung bakit nagsunuran ang mga sekta Protestante na magkaroon ng Bibliang binubuo ng 66 na aklat. Subalit kung titingnan ang kasaysayan, hindi ito ang eksaktong bilang ng Biblia. ayon mismo sa biblia, maaaring tumingin tayo sa kasaysayan sa pag-aalam ng katotohanan:

Job 8:8(ADB)“Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:”                

Ngayon, kung titingnan natin ang mga aklat- kasaysayan at kung magsusuri tayo sa mga maaaring mapagkatiwalaang sources ng impormasyon, ganito ang sinasabi:

Even the Old Testament used by Paul and other Hellenized Jews, who constituted many of Christianity’s early converts, was the Greek translation of Hebrew Scriptures known as SEPTUAGINT.”(p. 467. HISTORY OF THE ROMAN PEOPLE. 4th edition. Ward, Allen.et.al.)

 Malinaw na sinabi ng aklat-kasaysayan na ang kasulatang ginamit ni San Pablo sa pangangaral ay ang Greek translated na Kasulatang Hebreo na tinatawag ding Septuagint. Ano naman ang nilalaman nito? ANG ilan sa mga NILALAMAN NG SEPTUAGINT na WALA SA KALIMITANG BIBLIA NG MGA PROTESTANTE AY ANG MGA SUMUSUNOD: (bukod pa riyan ang mga kulang-kulang na sipi ng mga Biblia ng Born again sa Daniel at Esther)
-          1 Macabeo
-          2 Macabeo
-          Judith
-          Tobit
-          Baruch
-          Aklat ng Karunungan
-          Sirach
(see Textual table here: http://en.wikipedia.org/wiki/Septuagint)

Ang mga aklat na nabanggit sa taas ay tinatawag na DEUTEROCANONICO (apocrypha)na syang ISINAMA NG IGLESIA bunsod na rin sa pagpapanatili ng apostolikong tradisyon nito na matatandaang GINAMIT NAMAN NG MGA SINAUNANG CRISTIANO LALO NA NI SAN PABLO. Ibig sabihin, KULANG ANG AKLAT NG MGA PROTESTANTE LALO NA NG MGA BORN AGAIN DAHIL SA HALIP NA 46 AKLAT ay sinunod nila ang anti- Christian canon ng mga rabbis sa Jamnia na binubuo lamang ng 39 na aklat. Isa pa, hindi maaaring magkamali ang Santa Iglesia sa pagdedesisyon kung anu- anong aklat ang isasama sa Biblia dahil itinakda na ni Cristo ang pagbibigay awtoridad sa pagcacanonize sa Biblia nang sabihin nya kay San Pedro ang ganito:

Mateo 16:18-20 (ADB)At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.Nang magkagayo'y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo. 

Nangangahulugan lamang nito na sadyang may kapangyarihan ang IGLESIA sa pagtatalaga kung anu- anong kasulatan ang “divinely inspired” o hindi anupa’t sinabi na ni san Pablo na ang Iglesia ang pundasyon at haligi ng katotohanan:

1 Timoteo 3:15(ADB) Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

Ibig sabihin, hindi Biblia ang nagsilang sa Iglesia kundi ang Iglesia ang nagsilang sa Biblia. At kung titingnan naman ang mga sinaunang Biblia, makikita rin ang ilan sa mga deuterocanonico tulad ng Codex Sinaiticus na naglalaman ng mga sipi mula sa Macabeo, Judit, Tobit, at Karunungan (see: http://codexsinaiticus.org/en/manuscript.aspx)

Marami pa rapat ang pagtatalunan sa usaping ito pero sa simpleng sitas lamang mula sa mga aklat at sa simpleng pag-uugnay ng kasaysayan sa Biblia, NAPATUNAYANG MALI ANG MGA BORN AGAIN PAGDATING SA PAGBIBILANG NG MGA AKLAT SA BIBLIA.

Ikalawang pagpupuna:

ang tanong na sinagot ni Ed Lapiz ay ganito, “WHAT DOES THE BIBLE mean when it says, “be born again?””

ang naging sagot naman ni Ed Lapiz ay ganito:

…”tinabunan nang kahit anu- anong issues, tinabunan ng kung anu- anong do’s and donts, tapos yung pinakamahalaga na magdadala sa tao sa langit, hindi itinuturo- you must be born again…”(p.7, Isang tanong isang sagot)

marahil ay nagpaparinig sya na marami sa mga sekta ay hindi tinuturo ang pagiging born again lalo na raw ang Santa iglesia. Pero kung iisipin, NAPAKAMALING ISIPIN NA HINDI ITO TINURO NG SANTA IGLESIA SAPAGKAT SA LOOB NG 2000 TAON, MARAMI NA ANG NAGING BORN AGAIN DAHIL SA IGLESIA CATOLICA!!! BAKIT???

Una dapat muna natin alamin kung KAYLAN BANG MATATAWAG NA BORN AGAIN ANG isang tao?

Juan 3:3 (ADB)Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo,Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. 
Kung ipagpapatuloy natin sa ika-limang bersikulo:

Juan 3:5(ADB)Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. 
Samakatwid, ang pagsilang sa tubig o bautismo ang sinasabing palatandaan ng mga taong ipinanganak muli at ITO ANG MALINAW NA TINUTURO NG SANTA IGLESIA CATOLICA noon pa. kung titingnan ang Katesismo, ganito ang sinasabi:

Holy Baptism is the basis of the whole Christian life, the gateway to life in the Spirit (vitae spiritualis ianua),4 and the door which gives access to the other sacraments. ThroughBaptism we are freed from sin and reborn as sons of God; we become members of Christ, are incorporated into the Church and made sharers in her mission: "Baptism is the sacrament of regeneration through water in the word." (see Catechism online:  http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p2s2c1a1.htm)

NAPAKALINAW NA ITINURO NG SIMBAHANG CATOLICA ang tunay na pagiging born again kung inyo lamang uunawain ang Baptismal doctrine nito sa Katesismo.

So hindi talaga sya tinabunan, even Catholic church urges every people to be born again through water and spirit which can only be received through baptism. HINI SYA TINABUNAN, ginawang isyu lamang yan ng mga walang magawang pastor para makapangloko ng mga tao mula sa banal na iglesia. they wanted to gain members through attacking the Catholic church at ngayon na pinagsasabihan sila, sila pa ang may ganang mambatikos even they are clearly committing fallacies!!! Akala kasi nila na ang salvation ay instant na medaling makuha…


(itutuloy ang ibang parte)