Palaging pinipilit ng mga BA at ng mga kakampi nilang Baptists ang doktrina nilang “NO RELIGION CAN SAVE YOU” (NRCSY). Ano nga ba ang sinasabi ng Biblia ukol dito.
Sinabi ni PANGINOONG JESUS sa Juan 14:6;
Juan 14:6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (MBB)
Nasaan ba ang katotohanan? Ito ba’y nasa kahit saan?
Tingnan natin ang sulat ni SAN PABLO sa 1 Timoteo 4:16,
1 TIMOTEO 3:15-16(MBB)upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan.
Hindi maikakaila na napakadakila ng HIWAGA NG ATING RELIHIYON: Siya’y nahayag nang maging tao, pinatunayang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan.
Sa sinabi ni San Pablo, malinaw na ipinapahayag na ang katotohanang binabanggit dito ay si Jesus na Sya naming pinapangaral ng Relihiyon. Ibig sabihin, ang katotohanan ay ipinapahayag ng Relihiyon sapagkat ang katotohanan ay nasa loob ng Relihiyon.
SAAN NAMAN KAYA NILA NAKITA ANG NRCSY?
Magbasa pa nga tayo ng mga talata sa Biblia!
Sinabi ni PANGINOONG JESUS sa Juan 10:9
Juan 10:9Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas.
Kailangan palang PUMASOK muna. Pagpasok ba naman kaya ang ginagawa nila sa pagtanggap lamang kay JESUS? Hindi iyon sapat sapagkat kailangang PUMASOK! Hindi lamang nahihinto sa pagtanggap kay JESUS bilang Personal na Tagapagligtas ang pananampalataya kundi ang pagpasok mismo kay JESUS!
SAAN NAMAN NGAYON MAPAPABILANG ANG PUMASOK KAY JESUS?
basahin natin ang Juan 10:16;
Juan 10:16Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila’yipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging ISA NA LAMANG KAWAN AT ISA ANG PASTOL.
Sa pagpasok kay Cristo, nangangahulugan din pala itong pagpasok sa isang KAWAN. Ano nga ba ang KAWANG ITO?
basahin natin sa Gawa 20:28;
Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila’y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos Panginoon. na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.
Kitam? Sinabi “sa kawan” at hindi “sa mga kawan”. Nangangahulugan na iisa lamang ang kawan, ang IGLESIA! Papaanong mapapaliwanag ng mga Baptists ang napakaraming Baptist churches na hindi nagkakasundo?
Hindi agad sila qualified dahil napakaraming kawan ang naitatag nila gayong ang Simbahan na Totoo ay dapat iisa. Isang sekta nga lang ang pinapangaral ni San Pablo e.
GAWA 24:5(MBB)Natuklasan naming ang taong ito’y nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya’y isang pasimuno ng sekta ng mga Nazareno.
Si San Pablo ay hinuli dahil sa syang pasimuno ng sekta ng NAZARENO, ang Iglesya, samakatuwid ang Relihiyon! Nangangahulugang si San Pablo mismo ay nagpapakilala ng isang sekta, isang relihiyon.
GAWA 24:14
Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta; (ADB)
Sa isang translation sa Mabuting Balita
Gawa 24:14
“Tinatanggap kop o na ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na ipinapalagay nilang maling sekta.”
Ano nga ba ulit ang Daang ito?
Juan 14:6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (MBB)
Si JESUS ang DAAN! Ibig sabihin, ang pananampalataya mismo kay JESUS ay isang SEKTA, isang RELIHIYON! Isang RELIHIYON ng mga CRISTIANO. Isang IGLESIA lamang ang manatili na Syang totoo at tunay na kinasihan ng DIYOS.
So, papaano ngayon mapapaliwanag ng mga NON- SECTARIANS na Born Again ang “NRCSY”? papaanong mapapatunayan na mahal nila ang Diyos kung tinatanggi nila ang existence ng tunay na religion? Wew naman! Ang dami naming mali sa pananamplataya nila. Mahal daw nila ang Panginoong Jesu- Cristo sa pamamagitan ng personal relationship pero ayaw nilang tanggapin ang Sekta ng Nazareno! Patawa naman talaga masyado ang mga non- sectarians na ito!
EFESO 1:22-23,
Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya. Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.
Ang kulit naman masyado ng mga non- sectarians na ito! Hindi pala kumpleto ang kanilang pananampalataya. Mahal daw nila ang Panginoong Jesu- Cristo gayong AYAW NILA NG KATAWAN NYA NA SYANG NAG- IISANG IGLESYANG INALAYAN NYA ng KANYANG SARILING DUGO! Gusto lang nila ang ULO, AYAW NILA NG KATAWAN. MASYADONG INComplete.
Ang sabi pa nila, kahit sino raw pwedeng maligtas basta’t kilalanin mo lang si JESUS bilang PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS. Kahit ano raw ang relihiyon mo maliligtas ka basta tanggapin lang daw si Jesus. INComplete talaga e.
EFESO 4:4May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo’y tawagin ng Diyos.
E papanung kahit ano raw na relihiyon ay maliligtas, e nag- iisa nga lang ang katawan. Wew! Papaanong maliligtas ang nasa ibang relihiyon e ang tanging katawan na tinutukoy sa Biblia ay nag- iisa lang?! maliligtas kaya ang mga non- sectarians na hindi kabilang at hindi tinatanggap ang existence ng TOTOONG RELIHIYON?
EFESO 5:23Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.
Nakalagay, “na KANYANG KATAWAN”. Ibig sabihin, IISA LANG ANG KATAWAN NA ILILIGTAS NYA! IISA LANG NA IGLESIA ANG KANYANG ILILIGTAS. ILILIGTAS NYA ANG NAG- IISANG SEKTA. ANG SEKTANG NAZARENO, ANG TUNAY NA IGLESIA NG DIOS!
So ano ang mangyayari sa mga non- sectarians na hindi kumikilala sa sektang itinatag ni JESUS ayon sa
MATEO 16:18At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.
Malay ko kung papaano ang salvation nila. Ganito ang sabi ng Biblia e.
1 CORINTO 5:12Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba’t ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.”
Basta ang DALISAY NA RELIHIYON AY NASA BIBLIA
Basahin ang Santiago 1:27:Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. (ADB)
Remember the etymological meaning of religion:
"state of life bound by monastic vows," also "conduct indicating a belief in a divine power," from Anglo-Fr. religiun (11c.), from O.Fr. religion "religious community," from L. religionem (nom. religio) "respect for what is sacred, reverence for the gods," in L.L. "monastic life" (5c.); according to Cicero, derived from relegere "go through again, read again," from re- "again" + legere"read" (see lecture). However, popular etymology among the later ancients (and many modern writers) connects it with religare"to bind fast" (see rely), via notion of "place an obligation on," or "bond between humans and gods." Another possible origin isreligiens "careful," opposite of negligens. Meaning "particular system of faith" is recorded from c.1300.
To hold, therefore, that there is no difference in matters of religion between forms that are unlike each other, and even contrary to each other, most clearly leads in the end to the rejection of all religion in both theory and practice. And this is the same thing as atheism, however it may differ from it in name. [Pope Leo XIII, Immortale Dei, 1885]
Modern sense of "recognition of, obedience to, and worship of a higher, unseen power" is from 1530s.
Nakalagay, ito ay nanggaling sa Latin word na religare na nangangahulugang idugtong at ikabit muli ang naputol na relasyon sa Dios.
Papaanong makapapanampalataya ang isang mananampalataya hangga’t hindi nakakabit muli ang relasyon nito sa PANGINOON? Kaylangan ng Relihiyon dahil ito mismo ang mainam na sangkap para sa isang relasyon ng isang Cristiano sa Dios.
No comments:
Post a Comment
Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.