Naitalakay sa part 1 ang mga katuwa-tuwang doktrina na ipinapalaganap ng ating butihin (daw) na pastor na si Ed Lapiz. Mula sa part 1, napatunayan natin na hindi marunong sa sipnayan ang ating bida na syang may-akda ng ISANG TANONG ISANG SAGOT. Napatunayan natin na marami sa mga born again ay walang muwang sa mga pangyayaring kasaysayan dahil sa lubha nilang pagpokus sa Biblia na kanilang inuunawa sa pamamagitan lamang ng kanilang sarili. Sa kanilang kamalian mula sa PERSONAL INTERPRETATION na ginagawa, nagkabale-balentong tuloy ang lohika ng kanilang doktrina ukol sa KALIGTASAN kaya naman sa buong mundo, binubuo sila ng mga 38,000 sekta o non-sectarian na organisasyon na kung saan, sila-sila rin ang naglalaban dahil sa kanilang pansariling interes at pansariling interpretasyon sa Banal na Kasulatan.
Para sa ikalawang bahagi ng aking pagpupuna sa aklat, isa sa mga naging kapansin-pansin na mali na aking nakita sa kanyang katawa-tawang aklat ay nang masabi nya ito:
“Pero kung ang isang tao ay tumanggap na kay Kristo, ligtas na sya at wala nang bawian ‘yon.”Source: p.14, ISANG TANONG ISANG SAGOT
Weh? Parang hindi naman! Kaya naman pala muntikan nang masila ang Iglesya sa Galacia at sinabihan ni San Pablo ng matindi (Galacia 3:3). Take note, mga believers na ang mga taga- Galacia at sila’y mga Kristyano na pero muntik-muntikan nang maligaw.
Galacia 3:3 (ADB)Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?
Isa sa mga dahilan kung bakit TOTOONG MALI ang mga sekta Protestante ngayon kasama ang mga born again ay ang paniniwala na ONCE SAVED ALWAYS SAVED na produkto rin ng 500 taong Sola Fide na ipinalaganap ni Martin Luther. Tama baga ito? Hindi, dahil ayon mismo kay San Pablo, maaaring mapahamak at maligaw ang mga Kristyano lalo na kung magpapalapa sila sa mga hunghang na bulaang propeta.
Gawa 20:29-30(ADB)Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
Nagbabala rin si Apostol San Pablo na kapag magpapatuloy tayo sa ating mga kasalanan, hindi na natin mahihintay pa ang lubos na Kaligtasan sa hinaharap kundi;
Hebreo 10:26-27(ADB)Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway
Kung ating iisa-isahin ang usaping ito, mapapahaba masyado ang artikulong ito pero dapat tandaan na ang tunay na utos ni Cristo ay ganito;
Juan 8:31(ADB)Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;
Ngayon para lubos nating maunawaan ang tunay na doktrina na Kaligtasan kung saan nagpapahayag na kailangang gumawa ka ng may panginginig(Filipos 2:12)mangyaring pakitingnan ang mga artikulo ukol dito tulad ng: (http://bulwarkoftruth.blogspot.com/2012/09/hindi-biblikal-ang-doktrinang-sola-fide.html)
Isa pang nakatutuwang sinabi ng ating tampok na pastor ay ito:
So kapag ang pangalan mo ay naisulat na sa Book of Life, permanente na iyon at wala nang burahan.(Mula sa: Ibid,p,14)
Anung walang burahan? Papanu kaya nasabi nya iyon gayong wala naman sa Biblia ang ganitong katuruan. Ano ba sa palagay nya ang langit, walang pambura? Hala kung babasahin natin ang sinasabi sa Revelations, ganito ang mababasa;
Revelations 22:19 And if any man shall take away from the words of the book of this prophecy, God shall take away his part out of the book of life, and out of the holy city, and from the things which are written in this book.
babala: mag-ingat sa ganitong doktrina |
Marunong naman ata tayo sa pag-unawa sa Ingles kaya malinaw na matatanggal ang SINUMAN SA BOOK OF LIFE KUNG BABAWASAN NYA ANG Kasulatan. Teka, parang mairerelate natin ito sa part 1 ha? Hindi ba’t BAWAS DIN ANG BIBLIA NG MGA BORN AGAIN AT NG MGA PROTESTANTE BUNSOD SA PAGSUNOD KAY MARTIN LUTHER? Matatanggal kaya sila sa book of Life? Napakahirap magbigay nang konklusyon ukol dyan pero NAPAKALINAW NAMAN NA NAPATUNAYANG KATATAWANAN NA NAMAN ANG KATURUAN NG MGA MODERNONG CRISTIANONG KUNO SA KASALUKUYAN(born again kuno na naman).
(ipagpapatuloy)
No comments:
Post a Comment
Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.