Sunday, August 18, 2013

ISANG TANONG MALING SAGOT NG MGA BORN AGAIN PART 5



Medyo naging mahaba na ang naging talakayan natin sa aklat ng kapalpakan ng mga bornagain na sumasagot daw sa mga “doctrinal issue” sa Kristyanidad ngunit sa totoo ay pulos kapalpakan naman ang hatid. Eto naman ang karugtong sa napakarami pang kapalpakan na maaari nating makita kapag babasahin ang aklat.

“Kung relihion ang pinag-uusapan, lalo kung Christianity, it should be based on the Bible”(p.34, ISANG TANONG ISANG SAGOT)

Nakatatatawa naman kung tutuusin ang mga nailahad na nating kapalpakan ng mga pinagsasabi ng ating butihing pastor, hindi po ba? Marami na po kasi ang napatunayang kahinaan at kamalian ng kanyang doktrina ng kaligtasan gayong ayon sa kanya, ang tunay na relihion daw ay nababatay sa Biblia.

Una sa lahat, bago po kayo maguluhan kung ano ang totoo, dapat po nating malaman na ANG TUNAY NA RELIHIONG SA DIOS AY HINDI RELIHION NG “BIBLIA LAMANG” KUNDI ISANG RELIHIONG AAYON SA APOSTOLIKONG TRADISYON AT SA PASULAT NA TRADISYON NA NAGMULA PA NOONG 33 AD.

Ang biblia po ay hindi  nag-iisang batayan ng pananampalataya dahil isa lamang ito sa mga batayang pwedeng mapagkunan sa pormulasyon ng dogma at doktrina ng simbahan. Dahil kung ito po ang pagbabatayan ng lahat, papaano po ang mga Kristyanong hindi po nakahawak ng biblia ngi hindi marunong bumasa para mapag-aralan ang mga aral na matatagpuan dito? Papaano po ang mga taong nasa panahon kung saan hindi pa nakukumpleto ang mga aklat sa Bagong Tipan kung saan tinatayang 300 taon muna ang lumipas pagkatapos mamatay ni Cristo? Papaano po ang mga nasa panahon kung saan hindi pa naiimbento ang imprenta? Hindi ba't ang mga sinaunang Cristiano ay nakasunod naman sa aral ni Cristo kahit wala ang biblia dahil sa nakaukit na sa kanilang puso ang tunay na aral ni Cristo?

 2 Tesalonica 2:15(MBB)
Kaya nga, mga kapatid manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging SA SALITA O SA SULAT.

Ang malinaw na kahulugan nito ay ang hindi mapapasubaliang “oral tradition” na maaaring magpasalin-salin sa bawat henerasyon ng mga butihing Cristiano. Hindi ito kaylanman mapapasubalian dahil mismong kasaysayan ng Kristyanidad ang nagpapatunay nito:

Job 8:8(ADB)
“Sapagkat ikaw ay magsiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang. 
At ang sinasabi ng ating mga ninuno sa pananampalataya ay ganito:

“Christ's sayings and actions WERE PRESERVED BY THE WORD OF MOUTH.”(p.164, Western Civilization, A ConciseHistoy. Perry, Marvin et.al-1981)

Ayon na rin mismo sa isang reference book, ang mga tao noon ay nagkasya na lamang sa pakikinig sa buhay ni Cristo at ng mga santo sa pamamagitan ng oral tradition o samakatwid ay ang mga istoryang nagpasa-pasa sa bawat henerasyon na hindi binago ni hindi dinagdagan! Ang totoo nga'y, maraming Cristiano ang gumamit ng mga imahe upang ipakita ang naging buhay ng mga apostol at maging ni Cristo at mapapatunayan ito sa mga sinaunang catacombs na nahukay sa ilalim ng Pransya,Roma, at ibang lugar sa Imperyo Romano na tadtad ng mga relihiosong imahe at ng mga palatandaang gumamit sila ng tadisyon para mapreserba ang aral ni Cristo sa tulong na rin ng Simbahang Katolika, ang syang tunay na simbahan.

“The first generation of Christians preserved memories of Jesus Christ's teachings, deeeds, and crucifixation LARGELY BY THEWORD OF MOUTH.” (p.284. World Book- vol 2., 2008)

Ayon na rin sa isang kilalang teologo;

“Revelation contained holy Scripture- written word and Sacred Tradition... both Scripture and Tradition makeup a single,inseparable source, transmitted and interpreted infallibly by the Church.”(p.13, Christian Philosophy. Dela Torre,Joseph)
Darako naman tayo dito: 

[Sa aming church, hindi mandatory ang membership] (p.75)

Wow,kaya naman pala inutusan ni Cristo na pumasok sa kanya ang sinumang nanalig sa kanya, hindi po ba? Diyata't nagkakamali po ata ang mokong na pastor na ito?

Juan 10:9
“Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sapamamagitan ko'y maliligtas.”

Papaano magiging Kristyano ang isang tao kung hindi mandatoryo ang pagkakaanib nito?Papaano pa tatawaging Cristianong maliligtas ito kung hindi sya kabilang sa katawan ni Cristo? Papaano nya masasabing mahal nya si Cristo kung ayaw nya ang katawan nito? Aba'y hindi naman po tama iyon, ano po?

[Baptism is not a requirement to be saved](p.77)

mukhang nagmamalabis na po ang kakenkuyan ng ating bida! Akalain mong lapastanganin pa ang tunay na doktrina ng kaligtasan! Hindi po ba ang bautismo ang unang hakbang para maging Cristiano at para makapasok sa kaharian ng Dios sa lupa maging sa langit?

Marcos 16:16
“Ang sumasampalataya AT MABAUTISMUHAN AY MALILIGTAS.”

Napakalinaw naman po ata ng pang-ugnay na “at” para sabihing magkasama ang dalawa para sa paunang hakbang sa pagiging alagad ni Cristo. Diyata't hindi po alam ng mga born-again na ito ang gramatiko? Sa katunayan, utos pa nga ni Cristo ang bautismuhan ang mga tao e.

Mateo 28:19
Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.”

Kung tunay po na hindi requirement ang pagbabautismo/pagbibinyag, ibig sabihin hindi ito mandatoryo, at kung hindi po ito mandatoryo, ano pa po bang saysay ng pagbanggit dito ni Cristo? Wala ba o meron? Iwawalang kabuluhan na lamang ba natin ang sakramentong binyag na syang unang sangkap sa kaligtasan matapos ang redemptive works ni Cristo?

Juan 3:5 (MBB)
 “Sinsabi ko sa inyo”, ani Jesus, maliban ang tao'y IPINANGANAK SA TUBIG AT SA ERPIRITU, HINDI SYA PAGHAHARIAN NG DIYOS.”“ 
Malinaw pa po sa mineral water na hindi po tayo makapapasok sa kaharian ng Dios hangga't hindi po tayo naipapanganak mula sa kataasan sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.

[alam nyo, na kay tanda- tanda na ni Jesus nung nagpabinyag. So ibig sabihin, hindi dapat binyagan ang bata] (p.106)

Wala po ata akong natatandaang utos ni Cristo na “wag binyagan ang mga bata”.Mukhang kinakawawa naman po ata nila ang mga batang nananabik na sa gatas espiritwal!!

1 Pedro 2:2 (MBB)
“Gaya ng SANGGOL, KAYO'Y MANABIK SA GATAS ESPIRITWAL...”

 Hindi po ba, ayon mismo kay San Pedro na para rin sa bata ang pangakong ito ng Dios?

Gawa 2:39 (MBB)
Sapagkat ang PANGAKO'Y PARA SA INYO AT SA INYONG MGA ANAK...”

Bakit po ba na kailangang pigilan pa ang mga bata gayong ayon mismo kay san Pablo,kapalit din ito ng pagtutuli na sya namang ginagawa ng mga Judio sa mga sanggol?

Colosas 2:11-12
..”ito ang pagtutuling mula kay Cristo. Nang kayo'y bautismuhan, nailibing kayong kasama ni Cristo.”

 Ang mahiwagang tanong po, bakit po nais ipagpareho ni San Pablo ang binyag sa pagtutuli gayong ang PAGTULI AY GINAGAWA RIN SA MGA WALONG ARAW NA SANGGOL? Nagkakamali lamang po ba si San Pablo o sadyang pinahihintulutan lang po talaga na mabinyagan ang mga sanggol? Ang tunay na paliwanag po ay ganito:

Sa unang tipan ng mga Judio, ang pagtutuli ay ginagawa sa mga sanggol na kabilang sa sambahayang naniniwala sa Dios ni Abraham NGUNIT SA PAGDATING NG BAGONG TIPAN, ANG MGA SANGGOL NA KABILANG SA SAMBAHAYANG CRISTIANO AY BINIBINYAGAN.

Ngayon,tanungin naman natin ang kasaysayan ng mga sinaunang Cristiano ayon sa  epistulang sinulat mismo ng ating mga Ama sa Kristyanismo:

Irenaeus 
“He [Jesus] came to save all through himself- all, I say, who through him are reborn in God; INFANTS AND CHILDREN,youths, and old men. Therefore he passed through every age, becoming an infant for infants, SANCTIFYING INFANTS; a child for children, sanctifying those who are of the age... [so that] he might be the perfect teacher in all things, perfect not only in respect to the setting forth of truth, perfect also in respect to relative age. (Against Heresies 2:22:4 [A.D.189])

Hippolytus
 
“...Baptize first the children, and if they can speak for themselves let them do so. Otherwise, let their parents or other relatives speak to them.”(TheApostolic Tradition 21:16 [AD 215]) 
Origen 
“The Church received from the apostles THE TRADITION OF GIVING BAPTISM EVEN TO INFANTS.” (Commentaries to Romans 5:9[AD 248])

Ilan lamang iyan sa mga epistula ng mga sinaunang ama ng Kristyanidad na nagsasabing pinapahintulutan na ang pagbibinyag sa mga bata bago pa man isilang ang pastor na mokong na ito o bago pa man itatag ang Day by Day ministries! Sino ba ang dapat paniwalaan? Ang mga taong naging apostol mismo ni Cristo sa pamamagitan ng apostolikong tradisyon o ang pastor na nakabasa lang at nagtatag ng sarili nyang kakenkuyan?

Ngayon,ipapaliwanag naman natin ang dahilan kung bakit matanda na si Jesus nung sya'y binyagan at hindi nung sanggol pa sya!

Simple lang naman po kasi ang kasagutan sa napakahiwagang tanong na ito. Iyon ay sapagkat hinintay ding tumanda ang magbibinyag kay Jesus. Bakit naman po natin nasabi? Iyon po ay dahil sa kakaunti lang naman ang pagitan ng edad ni Jesus kay Juan Bautista!

Lucas 1:26-27
Nang ikaanim na buwan ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay isinugo ng Dios sa Nazaret, Galilea sa isang dalaga na ang pangala'y Maria.”

ibig sabihin, 6 months old na sa sinapupunan ni Elisabet si Juan nang iulat ni anghel Gabriel ang pagdadalantao ni Maria kay Jesus. Nakatitiyak tayong hindi nalalayo ang edad ng dalawa dahil pareho silang nasa tiyan pa lang nang puntahan ni Maria si Elisabet! (Basahin po ang Lucas 1:42-44)

Nakatitiyak po tayo na nasa pagitan lang ng anim na buwan ang tanda ni San Juan Bautista sa pagiging tao ni Jesus! Ngayon, ano po kaya ang kalalabasan kung bibinyagan ng bata ang kanyang kapwa bata??

ANO PO KAYA ANG MAGIGING REAKSYON NG MGA TAO KUNG BIBINYAGAN NG 6 MONTHS OLD NA BABY ANG BAGONG SILANG NA SANGGOL? HINDI PO BA MAGMUMUKHANG KATAWA-TAWA AT LARO ANG GAGAWIN NILA?? Seryoso po ang usaping binyag na naipangako rin maging sa mga musmos na bata. Pwede pong binyagan ang bata pero bawal magbinyag ang mismong bata na walang kapahintulutan ni hindi pa nakapagsasalita!

ITUTULOY...

2 comments:

  1. your such a hoax :) alam mo ngang magbasa or mga naituro lang sayo sa seminaryo,,subalit di mo naman talaga naiintindihan..bulag sa katotohanan..ang pumunta ka sa bohol para makita mo ang patunay na hindi natutuwa ang Diyos sa mga tradisyon ng pagsamba ninyo!

    ReplyDelete
  2. PLEASE DO REFER TO THE RULES WE IMPOSED

    "Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. God bless."

    -->AT ANO NAMAN ANG KINALAMAN NG BOHOL DITO???

    ReplyDelete

Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.