Friday, November 22, 2013

KAHIYA-HIYA NGA BA SA LAHAT NG LALAKI ANG MAGKAROON NG MAHABANG BUHOK? (PAGPAPALIWANAG KUNG BAKIT MAY PAGKA-MAHABA ANG BUHOK NI CRISTO SA MGA IMAHENG KATOLIKO)

bearded Christ at Commodilla catacombs (4th C.E) image from:wiki
Nakasasawang binabanatan ng mga erehe ang mga imahe ni Cristo sa Simbahan. Una na rito ang pagpansin nila sa haba ng buhok ni Cristo sa mga Katolikong imahe. Ayon sa kanila, imposible raw magkaroon ng ganoong haba ng buhok si Cristo dahil nga sa ipinagbawal ito ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga- Corinto:

1 Corinto 11:14 (MBB) 
“ Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

Una sa lahat, wala po tayong makikita sa nasabing talata na “Huwag kayong magkaroon man ng pagkahaba-habang buhok”. Wala po tayong makikita na direktang utos ni San Pablo na huwag magkakaroon ang sinuman ng mahabang buhok. Mapapansin sa nasabing talata na parang nagpaparinig si San Pablo sa pamamagitan ng sulat na “hindi angkop para sa mga taga- Corinto ang mga lalaking may mahabang buhok lalo na’t nagpapakita ito ng kahalayan.

Ngayon tumutukoy po ba ito kay Cristo at sa buong sambayanang Cristiano? Hindi po! Bakit naman po natin nasabi?

Sa sulat ni San Pablo, napakalinaw po na ANG PINAGSASABIHAN NI SAN PABLO AY ANG MGA TAGA-CORINTO AT HINDI PO SI CRISTO. Napakababa naman pala ni Cristo kung pagsasabihan lang pala ni San Pablo ng ganun. Pero hindi po nakatalaga ang nasabing epistula para kay Cristo kundi para sa sambahayang Cristiano na nasa CORINTO. ANG NASABING SULAT AY MAY ESPISIPIKONG PATUTUNGUHAN AT ITO ANG MGA TAGA-CORINTO NA NASA IMPLUWENSYA PA NG HELENISTIKO’T ROMANONG KULTURA.

LAHAT PO BA NG MAY MAHABANG BUHOK AY KAHIYA-HIYA?
Pakitunghayan na lamang po sa Biblia ang kasagutan:

Mga Bilang 6:5 (AB ) 
Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang humaba ang buhok ng kaniyang ulo.

Malinaw po sa nasabing talata na ang taong hindi nagpapaahit ng buhok ay MISMONG MGA NAKATALAGA SA PAGLILINGKOD SA DIOS AT ANG MGA TAONG CONSEGRADO SA DIOS.  ITO ANG MGA TINATAWAG NA NAZAREO NA MAY PANATA RIN NA HINDI SILA MAGPAPAAHIT NG BUHOK.

Mga Bilang 6:2 
Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon:

Samakatuwid, tunay silang nagpapakahaba ng buhok at ng kanilang balbas bilang simbolo at distinksyon na sila’y nakalataga sa Dios. Hindi ba’t si Cristo ay nakatalaga rin sa Dios isang bagay na makikita sa kanya na Syang tumupad sa kalooban ng Ama?

Hebreo 10:7  
  Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

ano nga po ba ulit ang kalooban ng Dios sa mga nakalatalaga para sa Kanya? Bilang 6:5; Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon.

Ayan, malinaw naman po kaysa sa mineral water na ang mga lalaking may mahabang buhok ay hindi kahiya-hiya, datapuwat kinalulugdan pa nga ng Dios dahil sa kanilang pagiging consegrado sa Kanya. Halimbawa na lamang dito si Samson na may panatang Nazareo at maging si San Juan Bautista.
Ano nga po ba ulit ang tawag kay Jesus? Hindi ba’t tinatawag din syang Nazareno?

Mateo 2:23 
at doon nanirahan sa bayan ng Nazaret. Sa gayon, natupad ang sinabi ng mga propeta: “Siya’y tatawaging Nazareno.”

Ang pagtawag kay Jesus na Nazareno ay hindi lamang nauuwi sa kadahilanang taga- Nasaret sya. Mapapansin natin na wala ngi isang direktang binanggit sa propesiya na si Jesus, ang Anak ng Dios ay tatawaging Nazareno, pero bakit kaya naisipan ni San Mateo ang ganun?
Tatlo malamang ang dahilan ni San Mateo ditto:

1.)    Taga- Nasaret sya kaya naman bagay syang tawaging Nazareno
2.)    Maaaring galing ito sa salitang “NEZER” O NETZER NA MAKIKITA SA ISAIAS 11:1 SA WIKANG HEBREO

ISAIAH 11:1 
 w'yätzä cho†er miGëzayishäy w'nëtzer miSHäräshäywyif'reh

AT SA NASABING PROPESIYA DIN NABANGGIT NA SYA’Y TUNAY NA CONSEGRADO SA DIOS

ISAIAS 11:2 
At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon.

Ang salitang ito na “NEZER” AY MAY MALAKING KAUGNAYAN SA PANATANG NAZAREO:

Nezer- consecration, crown, Naziriteship (source: http://biblesuite.com/hebrew/5145.htm)

3.)    Si Jesus ay may panatang Nazareo at sa mauunawaan natin na sya’y may mahabang buhok.

Malamang, pinaglalaruan ni San Mateo ang salitang ito para iproklama si Jesus na TAGA-NASARET, ISANG NEZER NA UUSBONG AT ISANG NAZAREO NA CONSEGRADO SA DIOS.

SI JESUS BILANG ISANG NAZAREO AY KARAPAT-DAPAT NA MAGKAROON NG GANUNG BUHOK LALO NA’T PINAGBABAWALAN SA KANILA ANG MAG-AHIT HANGGA’T MAAARI.

Lev 19:27  
Huwag ninyong gugupitin ng pabilog ang mga buhok sa palibot ng inyong ulo, ni huwag mong sisirain ang mga dulo ng iyong balbas. 


Samakatwid, hindi po talaga bawal ang pagkakaroon ng mahabang buhok lalo na’t may mga utos pa nga ang Dios na magpahaba ng buhok ang iilan bilang tanda ng pagkakatalaga nila bilang malapit sa Dios at banal. Ang ibig sabihin lamang ni San Pablo sa sulat ay nakatuon sa particular na etnisidad (ethnicity) ng Kristyanismo at ito ang mga taga- Corinto na nasa ilalim ng impluwensyang Romano at Griego na kung saan ang buhok ng mga lalaki ay nagiging tanda ng homosekswalidad at iba pa. Hindi po tayo huhukuman ng Dios dahil sa buhok. Wala pong barberia dati para magpagupit ng buhok kung kaya’t lohikal nating masasabi na may mahabang buhok maging ang mga apostol ni Jesus lalo na rin po si Jesus dahil isa syang Nazareo.

No comments:

Post a Comment

Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.