sinabi niya: At hayaan siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.
Hebreo 1:6
Isa na
marahil sa pinakagasgas na linya ng mga “kristyanong”
hindi naniniwala sa pagkadiyos ni JesuCristo ay ang sitas ng Bibliya kung saan
binanggit niyang:
Juan 14:28
Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo:
Ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo.
Kung iniibig ninyo ako ay magagalak kayo
sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama
sapagkat ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin.
Ang mga huling kataga ng
talatang ito ang ginagamit na dahilan ng ilan upang palabasing hindi DIOS si
Cristo manapa’y isa lang sa mga HINIRANG ng DIOS AMA sapagkat siya na mismo ang
nagsaysay na ang AMA ay higit sa kanya.
Tama nga kaya ang pagkaunawa nila? Nais nga ba talagang sabihin ni Cristo na hindi siya DIYOS?
Bago natin direktang sagutin ang napakasimpleng tanong sa itaas, marapat muna nating malaman ang sitwasyon ni JesuCristo sa mga panahong nasambit niya ang mga bagay na ito.
Ang ebanghelyo niSan Juan ay nagsisimula sa
mga katagang:
Tama nga kaya ang pagkaunawa nila? Nais nga ba talagang sabihin ni Cristo na hindi siya DIYOS?
Bago natin direktang sagutin ang napakasimpleng tanong sa itaas, marapat muna nating malaman ang sitwasyon ni JesuCristo sa mga panahong nasambit niya ang mga bagay na ito.
Ang ebanghelyo ni
Juan 1:1
Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita.
Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos.
Sa unang talata pa lang,
mapapansing si San Juan ay nakatuon na sa tinukoy niya bilang SALITA. Ang salitang
ito ay tuwiran niyang inihayag bilang DIYOS.
Ngayon, sino ang ‘salitang’ iyan?
Ang
sagot ay nasa ikalabing-apat na bersikulo sa parehong kabanata:
Juan 1:14
Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin.
Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian,
ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama.
Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan.
Malinaw na malinaw na ang
SALITA—na DIYOS, ay ang SALITANG NAGKATAWANG-TAO na nilaanan ni
San Juan sa katawagang “bugtong na Anak ng Ama” sa halos lahat ng pagkakataon
sa kanyang buong aklat.
Ang doktrinang ito—ANG PAGKAKATAWANG TAO NG ANAK NG DIYOS ay siyang tuon ng misteryo ng INKARNASYON sa pananampalatayang KATOLIKO at matibay na pinanghahawakan ng Santa Iglesia sapagat tuwiran itong itinuro ng Banal na Kasulatan at sinosuportahan ng hindi mabilang na dokumentong isinulat pa ng mga sinaunang ama ng Simbahan.

Sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga
taga-Filipos, ganito ang kanyang pagtuturo:
Filipos 2:5-11
Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo
ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman.
Bagaman siya ay nasa anyong Diyos,
hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan
ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos.
Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili
at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao.
Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao,
siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan,
maging sa kamatayan sa krus.
Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Ito ay upang sa pangalan ni Jesus
ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit,
ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa.
Ito ay upang ipahayag ng bawat dila
na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Sa mga pahayag na ito,
lubusang ipinakilala ni Apostol San
Pablo ang PAGPAPAKABABA ni JESUCRISTO upang sundin ang
kalooban ng AMA. Tuwiran niyang inilahad na si CRISTO ay NASA ANYONG DIYOS!
NGAYON, isa-isahin na natin ang ilang punto kung bakit nasabi ni Jesus na ang AMA ay higit sa kanya.
una, ang Anak ng Dios sa mga panahon ng pagdating niya sa lupa ay NAGKATAWANG TAO at tumanggap ng ANYO ng isang ALIPIN (cf. Phil. 2). IBIG SABIHIN, kahit saang anggulo mo tingnan ay LUBUSAN SIYANG BUMABA SA KALUWALHATIAN BILANG DIYOS at NAKITULAD SA TAO ayon na rin sa kagustuhan ng AMA.
ano pa ang patunay na siya ay NAGPAKABABA? Ang sagot ay nasa aklat ng Hebreo:

Hebreo 2:7, 9
Sa maikling panahon ay ginawa mo siyang
mababa kaysa mga anghel. Pinutungan mo siya
ng kaluwalhatian at karangalan. Ipinailalim mo
sa kaniya ang lahat ng gawa ng iyong mga kamay.
Ngunit nakikita natin si Jesus.
Sa maikling panahon ay ginawa siyang mababa
kaysa sa mga anghel na dahil sa kahirapan sa kamatayan
ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan.
Ito ay upang sa pamamagitan ng biyaya Diyos
ay tikman niya ang kamatayan para sa lahat ng tao.
malinaw pa sa sikat ng ARAW na
si CRISTO ay NAGPAKABABA kung kaya’t sa panahon ng kanyang pagparito ay tunay
niyang nasabi at KINUMPIRMA sa JUAN 14:28 na ang AMA AY HIGIT SA KANYA.
ikalawa, ang pagparito at pangangaral ni JesuCristo ay para sa kaluwalhatian ng AMA ayon naman sa ikalabimpitong kabanata sa aklat pa rin ni San Juan. At ang pagluwalhati niya sa AMA ay may kalakip din na pagluwalhati sa kanya ng AMA.

Juan 17:3
Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala
ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na
iyong sinugo.
Ang AMA ang
UNA sa tuon ng pagpapakilala ni Jesus at hindi ang kanyang SARILI. At sa
parehong kabanata ay HINIHINGI na ni CRISTO ang PAGLUWALHATI NAMAN SA KANYA NG
AMA.
Juan 17:5
Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng
kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka bago pa likhain
ang sanlibutan.
At ang kumpirmasyon ng
pagluwalhating iyan ng AMA sa kanyang ANAK ay mababasa sa aklat pa rin ng
Hebreo:
Hebreo 1:8-12
Ngunit patungkol sa Anak, sinabi niya:
O Diyos, ang iyong trono ay magpakailanman.
At ang setro ng katuwiran ang magiging setro
ng iyong paghahari.
Inibig mo ang katuwiran
at kinapootan mo ang hindi pagkilala sa
kautusan ng Diyos. Dahil dito ay pinahiran ka
ng Diyos, na iyong Diyos, ng langis ng
kaligayahan higit sa iyong mga kasama.
At sinabi niya:
O, Panginoon, sa simula pa man ay itinatag mo
na ang saligan ng lupa. At ang mga kalangitan
ay mga gawa ng iyong mga kamay.
Sila ay mapapahamak ngunit mananatili ka. Silang
lahat ay malulumang tulad ng isang kasuotan.
Babalumbonin mo silang tulad ng isang
balabal at sila ay mababago. Ngunit ikaw ay
mananatiling ikaw at ang iyong mga taon ay
hindi matatapos kailanman.
Sa mga
nabanggit na pahayag, ang DIOS AMA mismo ang KUMILALA sa PAGKADIOS ng kanyang
ANAK. Gayundin ay sukdulan niya itong niluwalhati sa puntong ang DIOS AMA mismo
ang tumawag sa kanyang ANAK bilang PANGINOON (verse 10).
Kung tatanggapin natin ang argumento ng mga "kristyanong" hindi naniniwala sa pagkaDiyos ni JesuCristo, kokontrahin natin ang AMA sa kanyang DEKLARASYON at tiyak ang kaparusahan natin dahil sa pagsalungat sa KATOTOHANANG inihayag NIYA sa atin.
KAHABAGAN NAWA TAYONG LAHAT NG DIYOS UPANG MARATING NATIN ANG SUKDULAN NG PAGKAUNAWA SA KANYA.
+DEO GRATIAS!
======
PABATID:
*ang lahat ng sitas na ginamit sa artikulong ito ay mula sa salin na ANG SALITA NG DIYOS (SND)

**ang mga larawang ginamit ay nagmula sa google.com
No comments:
Post a Comment
Please keep the Comment Box free from AD HOMINEMS and other forms of fallacies. May God bless us and lead us to the FULLNESS OF TRUTH.